Sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos dumalo sa ASEAN security briefing sa Tagbilaran, Bohol na ‘dead or alive’ dapat makuha ang mga nasabing terorista na tinatayang nasa anim pa bago pa man sila makapaghasik ng karahasan.
AP/Bullit Marquez
P1M kada Abu Sayyaf - Duterte
Ellen Fernando, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magbibigay si Pangulong Duterte ng tig-P1 milyon sa sinumang makakapagturo sa natitira pang miyembro ng Abu Sayyaf na nakaengkuwentro ng militar sa Inabanga, Bohol.

Sinabi ng Pangulo matapos dumalo sa ASEAN security briefing sa Tagbilaran, Bohol na ‘dead or alive’ dapat makuha ang mga nasabing terorista na tinatayang nasa anim pa bago pa man sila makapaghasik ng karahasan.

“Ako naman tutal hiningi nila talaga ito eh, my orders to the police, and the lahat, and even civilians who are interested to fight and kill, ang order ko is dead or alive. Kaya ‘yung anim na, maybe scouring the safety nets kung saan sila maka-landing, I have one million offer, per person ako,” ani Duterte.

Sinabi ng Pangulo na kung sino man ang makakapagbigay ng tip o makakapagturo sa mga ASG ay lumapit lamang sa mga pulis at sundalo.

Ipinag-utos na rin ng Pa­ngulo sa militar at pulisya na tapusin na ang grupo na bukod sa mga ginagawang panggugulo ay nangingidnap pa ng mga banyaga at sibilyan.

Inihayag din niya na kapag naipit ang bayan dahil sa ASG ay ipag-uutos niya ang invasion ng Jolo.

Nagbalak din ang Pangulo kahapon na bisitahin ang mga namatay na tropa ng gobyerno pero pinigilan umano ito ng mga sundalo dahil mahirap ang daan at maputik.

Kasabay nito, naniniwala si Pangulong Duterte na target ng Abu Sayyaf na guluhin ang ASEAN-related meetings sa Bohol kung saan posible umanong plano nilang dukutin ang mga foreign ministers o participants.

Samantala, kasunod ng pangakong “lethal blow” ng militar, 34 na Abu Sayyaf ang nasakote at isa ang napatay sa pagsalakay ng tropa ng AFP habang nagsasagawa ng shabu session sa Bgy. Danag, Patikul, Sulu kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu alas-4 ng madaling araw nang lusubin ng Army’s 45th Infantry Battalion (IB) ang kuta ng mga bandido sa nasabing lugar.

Ito’y kasunod ng utos ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año sa tropa ng JTF Sulu na maglunsad ng ‘lethal blow’ laban sa grupo matapos ang pamumugot ng ulo sa hostage na ship captain na si Noel Besconde noong Huwebes Santo sa Patikul, Sulu.

“Alam mo yung Abu Sayyaf talagang gumagamit sila ng drugs, kaya kung kita mo kung pumugot sila ng ulo very inhuman, na hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila e, so we suspect they are high on drugs,” pahayag ni Sobejana.

Tumagal ng mahigit 15 minuto ang palitan ng putok saka mabilis na nagsitakas at inabandona ng Sayyaf ang kanilang kampo ng mapaslang ang kasamahan na gumagamit ng alyas na Jah Adul Jah.

Arestado rin sa operasyon ang 34 pang bandido na kinabibilangan ng 33 lalaki at isang babae na hinihinalang supplier ng droga ng ASG. Isang sundalo rin ang nasugatan na kinilala sa apelyidong Corporal Caramat.

Nasamsam naman sa ope­rasyon ang isang M16 rifles, tatlong cal. 45 pistols, drug paraphernalias, limang granada at tatlong malalaking plastic sachet ng shabu. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

ASEAN
Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.