Nais ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipasara ang Mighty Corporation na pag-aari ng pamilya Wongchuking dahil sa mga kaso ng umano’y pamemeke ng tax stamp para makalusot sa pagbabayad ng buwis.
BOY SANTOS
Mighty isara! – BIR
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nais ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipasara ang Mighty Corporation na pag-aari ng pamilya Wongchuking dahil sa mga kaso ng umano’y pamemeke ng tax stamp para makalusot sa pagbabayad ng buwis.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, maaaring kanselahin ng pamahalaan ang permit to operate ng Mighty sa susunod na buwan bilang parusa sa kumpanya bunsod ng sunud-sunod na pagkakasamsam sa mga produkto ng Mighty na may pekeng tax stamp.

Kapag nakansela na ang permit to operate ng Mighty, isasara na rin ang kanilang factory. Una nang kinansela ng Bureau of Customs (BOC) ang import permit ng Mighty kaya hindi na sila makakagawa pa ng sigarilyo.

Kamakailan lang, sinampahan ng BIR ng kasong tax evasion ang Mighty na nagkakahalaga ng P9.6 bilyon. Marami pang nakalinyang kaso laban sa Mighty kasunod ng pagkumpiska ng BOC ng 160,000 master cases ng Mighty na may pekeng tax stamp sa isang warehouse sa San Ildefonso.

Sinabi ni Dulay na tatlong kaso pa ang isasampa nila laban sa Mighty habang tinatayang nasa P30 bilyon ang buwis na kailangang bayaran ng kumpanya sa pamahalaan.

“You could imagine that within the next two or three months if you don’t have the import license, if you don’t have importation of raw materials, how do you manufacture your cigarettes?” wika ni Dulay.

Bago rito, nanindigan si Finance Sec. Sonny Dominguez na hindi makikipag-areglo ang pamahalaan sa Mighty Corporation.

Ayon kay Dominguez, napakarami nang naitalang kaso kung saan bilyun-bilyong halaga ng mga produkto ng Mighty na nahulihan ng pekeng tax stamp.

Idinagdag pa ni Dominguez na walang dahilan para makipag-areglo, lalo pa’t lumakas ang kaso ng pamahalaan laban sa Mighty kasunod ng raid sa isa pang warehouse nito sa Bulacan.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE
Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.