‘Huling El Bimbo’
CALVENTO FILES - Tony Calvento (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2016 - 12:00am

(Huling bahagi)

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

“Ang tanong namin noon pa man kung bakit naka-brief lang si Ryan nung mga panahong yun. Walang bahid ng dugo ang iba niyang gamit at damit tulad ng board shorts, wallet at sapatos,” ayon kay John.

Naitampok namin nung nakaraang BIYERNES ang tungkol sa pagkakamatay ni Jay Ryan Reblora. Mismong ang sarili niyang sasakyan na nakarehistro sa kanyang ama na si Roberto Reblora ang gamit dito.

Enero 25, 2015 nang umano’y maaksidente si Ryan at masagasaan ng sariling sasakyan na minamaneho ni Jose Lito Monreal II. Sakay nito si Gerard Goco. Tumatakbo ng 5.2 turbo-charged engine ang Toyota Corolla ni Ryan.

Nakilala ito ni Ryan dahil sa pareho silang mahihilig sa sasakyan at naging malapit itong kaibigan ng kanyang dating naka-relasyon.

Unang naisampang kaso laban kay Monreal II ay ‘Reckless Imprudence Resulting to Homicide’, nangalap ang pamilya ng matibay na ebidensya para maging malinaw ang dahilan ng pagkamatay ni Ryan dahil hindi sila naniniwala na ito’y isang pedestrian-vehicle accident lamang.

Sa kabila ng paghiling ng kapatid ni Ryan na si John sa nag-imbestigang pulis na paimbestigahan ang insidente sa SOCO ay wala pa ring dumating para masuri ang pinangyarihan ng insidente.

Naiakyat sa kasong ‘Homicide’ ng Inquest Prosecutor. Hindi nakontento ang pamilya sa kasong ito dahil marami silang napansing iregularidad.

Sa salaysay na ibinigay ni Albert Gerad Goco na nakasakay sa kotse, nagkakasiyahan daw sila nung mga panahong yung dahil nasa birthday party sila ng isang kaibigan. Nagkasundo daw si Ryan at Monreal II na testingin ang sasakyan ni Ryan.

Nang pabalik na sila sa bahay ng may  birthday ay bigla na lang daw tumalon sa gitna ng kalsada si Ryan. Iniwasan siya ni Monreal II ngunit hindi na kinaya kaya sa passenger’s side na ito tumama. Hindi niya na raw alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil tumalsik na ang bubog sa kanyang mukha.

Sa ibinigay namang panig ng iba nilang kasamahan ay bigla na lang daw tumalon sa gitna ng kalsada si Ryan at may ilan pang nagsabi na parang nagpatintero raw ito.

Sa parte naman nina Monreal II nakasakay daw sila sa loob ng kotse at tinuturuan siyang magmaneho ni Ryan ng turbo-charged car ngunit nawalan siya ng kontrol.

Sa takot ni Ryan para sa kanyang buhay ay tumalon ito na naging dahilan kanyang pagkakabangga at pagkamatay.

Tumawag daw sila kaagad ng magre-rescue ngunit hindi na raw kinaya.

“Nung Homicide ang kaso nilakad na namin ang hold departure order laban kay Monreal II kaya hindi na siya nakaalis ng bansa,” sabi ng ina ni Ryan na si Cynthia.

Naniniwala silang nagkaroon ng ‘foul play’ sa insidenteng ito. Ang damit, cell phone, wallet, board shorts at sapatos ni Ryan ay wala man lang kabakas-bakas ng dugo samantalang ang brief nito ay batak na batak na ang garter.

Sa pamamagitan ng isang petisyon ay hiniling nilang maiakyat sa ‘Murder’ ang kaso laban kay Monreal II. Ang tanging naiisip lang nila na dahilan ay ang pag-atras ni Ryan sa kasal nila ng kanyang naging karelasyon na si Eden Malapaz. Malapit daw itong kaibigan ng akusado.

Wala din daw silang nakitang palatandaan na inapakan ni Monreal II ang preno upang iwasan si Ryan.

“Kung pedestrian siya bakit nakahubad? Bakit ganun ang brief niya sobrang batak na?” tanong ni Cynthia.

Mahabang proseso ang pinagdaanan ng pamilya bago nila nakamit ang sa tingin nilang tamang kaso na dapat maisampa.

Sa ibinabang desisyon ng Court of Appeals (CA) 5th Division, tiningnan nilang maigi kung pasok ba ito sa kasong Murder.

Ayon sa Article 248: Murder- any person who, not falling within the provisions of Art. 246, shall kill another, shall be guilty of murder and shall be punished by reclusion perpetua, to death if committed with any of the following attendant circumstances: by means of inundation, poison, fire, explosion, ship wreck, stranding of a vessel, derailment or assault upon a railroad, fall of an airship, by means of motor vehicle or with the use of any other means involving great waste and ruin.

Sa Information pa lang sa kasong Homicide nakasaad na dun ang ‘hit and bump with said motor vehicle’. Malinaw na merong elemento ng Murder ito.

Nakitaan nila ng iregularidad ang Asst. City Prosecutor at City Prosecutor ng Las Pi?as sa isinampang kaso na Homicide sa halip na Murder. Naiakyat sa Murder ang kasong nakasampa kay Monreal II.

Naglabas na ng ‘Alias Warrant of Arrest’ laban kay Monreal II sa kasong Murder at nagtatago na raw ito ngayon.

Kanselado na ang kanyang pasaporte kaya’t siguradong hindi siya makakalabas ng bansa.

Nagsampa naman ng kaso sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang pamilya laban sa nag-imbestigang pulis.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

***Kung sino man ang may impormasyon sa kinaroroonan ng taong nasa litrato ay ipagbigay alam lamang sa mga numero sa itaas.

GLOBE
Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.