EDITORYAL - Dapat lang sibakin ‘scalawags’ na pulis
(Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2017 - 12:00am

TAMA lang ang ginawa ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na sibakin na ang 200 pulis na hindi sumipot para sa reassignment ng mga ito sa Basi­lan dalawang linggo na ang nakararaan. Ayon kay Dela Rosa, nilagdaan na niya ang dismissal ng mga pulis na sangkot sa iba’t ibang kaso. Ang pagsibak sa 200 pulis ay bahagi umano ng internal cleansing­ na ipinatutupad ng PNP.

Nasa 339 ang mga “scalawag” na pulis na iniharap kay President Rodrigo Duterte sa Malacañang. Sangkot sa iba’t ibang kaso ang mga pulis na kinabibilangan ng hulidap, extortion, pana­nakot, walang habas na pagpapaputok ng baril, pagrereport tuwing “15-30” at iba pang pang-aabuso sa puwesto. Unang balak ng Presidente na paglinisin ng Pasig River ang mga “scalawag” na pulis pero nagbago ng pasya at sinabing dal­hin­­ ang mga ito sa Basilan. Doon ay tunay na “training­” ang dadaanan ng mga ito. Kapag namatay daw doon ang mga “scalawag” doon na rin ililibing ang mga ito.

Pero sa araw na dadalhin na sa Basilan ang mga “scalawag”, 53 lamang ang sumipot sa Villamo­r Air Base at isinakay sa C-130 patungong Zamboanga City. Mula Zamboanga ay dinala sa Basilan ang mga pulis.

Galit na galit si Dela Rosa kung bakit hindi sumi­pot ang mga pulis kaya nag-utos na ang pa­tuloy na hindi magrereport at magpapaliwanag ay idedeklarang absent without leave (AWOL) at sisibakin na sa puwesto. Kailangan daw niyang ipa­tupad ang kautusan. Seryoso umano siya sa paglilinis sa PNP at tatamaan ang rogue cops.

Masyadong sadsad ang imahe ng PNP. Lugmok­ na lugmok dahil sa kagagawan na rin ng mga “bugok” na miyembro. Tama lamang na sibakin ang mga “scalawag” at hindi na ilipat kung saan-saang lugar. Hindi magagarantiya na kung ililipat ang “bugok” ay magiging mabuti, baka mahawa pa niya ang mga mabubuting itlog at maging “bugok” na rin. Sibakin na agad ang mapapatunayan!

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.