Sarah tumanggi sa Darna!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 26, 2017 - 12:00am

Ayaw talaga ni Sarah Geronimo ang Darna project. Matatatandaang noon pa ito tinatanong sa kanya at lagi na’y hindi talaga nagpapakita ng interes si Pop Star at lagi nga niyang idinadaan sa biro.

Sa paglitaw muli ng pangalan niya ngayong final na ngang hindi na si Angel Locsin ang gaganap na Darna, muling kinulit ng press si Sarah pero negative pa rin ang sagot niya.

“Kasi matagal ko na po ‘yang sinasabi na hindi talaga ‘yun para sa akin kasi ico­nic ‘yun, well, more than that, ang daming responsibilities na kaakibat ‘yung pagiging Darna, ‘di ba po?

“So, medyo naka-focus lang po nang konti na inaabangan ‘yung naka-two-piece, and ‘yung physique, parang hindi talaga para sa akin ‘yun.

“Pero nagpapasalamat naman ako at flattered naman ako na may mga (taong) ikino-consider ako. ‘Di ba, ang galing naman? Salamat,” pahayag ni Sarah.

Liza ‘di pa napipisil lumipad

Itinanggi ni Ogie Diaz, manager ni Liza Sobera­no na ang young actress na ang napipisil na Darna ng Star Cinema at ABS-CBN. Basta ang alam niya ay wala raw sinasabi ang management sa kanya.

“At saka if ever, hindi naman ako ang dapat mag-announce niyan. Ang management ang mag-a-announce ni­yan,” sey ni Ogie nang makatsikahan namin last Friday night.

Pero sobrang thankful ni Ogie sa fans at netizens na nagsasabing si Liza ang bagay na gumanap ng nasa­bing iconic super heroine.

Kung sakali bang si Liza ang makuha ay willing ba naman itong mag-two piece na siyang costume ni Darna?

“Naku, iba na ang technology ngayon, makabago na. Hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari pa talaga riyan kaya ang hirap magsalita,” playing safe niyang sagot.

Basta ang sure raw siyang projects ni Liza sa ngayon ay ang mga nakaplano na. Sinisimulan na nitong gawin ang isang teleserye na bagama’t pilot week lang ang young actress kasama ang ka-loveteam na si Enrique Gil ay markado naman daw.

May naka-line-up din daw na serye ulit ang LizQuen this year pagkatapos ng matagumpay na Dolce Amore last year.

Max kakaiba ang na-experience kay Direk Mike

Sobrang happy and proud ni Max Collins na nakasama siya sa pelikulang Citizen Jake ni Mike de Leon. Ito ang comeback film ng magaling na direktor after 17 years at sobrang honored ng Kapuso actress na makatrabaho niya ang legendary director.

Si Max ang leading lady ni Atom Araullo sa pelikula at hindi siya nahihiyang aminin that she auditioned for the role kaya naman ang saya raw niya nang sabihing napili siya.

Nagsimula na silang mag-shooting sa Baguio kung saan kukunan ang entire film kaya balik-balik daw sila ngayon sa naturang lugar.

Ano ang pakiramdam na ang comeback film ni direk Mike after 17 years ay kasama siya?

“I can’t believe it kasi bigatin ‘yung mga artista. Lahat, veteran actors, well-known people in the industry. Kasi si Atom, well-knows as a journalist, di ba? So, parang feeling ko, ako ‘yung stray dog in the path kasi ako ‘yung. . .hindi naman baguhan, pero in a sense na I’m not up to their level, so, I’m just humbled by the expe­rience and I’m so happy that they got me,” pahayag ni Max.

Kumusta namang katrabaho si legendary direk Mike? Hindi ba siya nailang?

“Actually, noong una, takot na takot ako, as in sobrang takot ako kasi hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko or baka mapagalitan ako or kung ano ang gusto niyang mangyari.

“Pero ang gaan niya katrabaho kasi very sensitive siya sa feelings ng artista. Even the set, siya ‘yung nag-ayos, siya ‘yung nag-interior ng buong set, and then, bawal ding pumasok ‘yung mga kasama sa set, so very tight ‘yung set, so mapi-feel mo talaga na nasa situation ka, na nasa scene ka. So, masaya, kasi never ko na-experience ‘yun,” kwento ni Max.

SARAH GERONIMO
Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.