EDITORYAL - Mga ‘anay’ sa NBI lipulin na rin
(Pang-masa) - February 24, 2017 - 10:54pm

HINDI lamang sa Philippine National Police (PNP) mayroong mga “anay” kundi pati na rin sa National Bureau of Investigation (NBI). At nakakatakot kapag hindi nalipol ang mga “anay” sa NBI sapagkat mas matindi kung sumira ang        mga ito --- ubos lahat!

Nagbanta noon si Pres. Rodrigo Duterte sa NBI director na sisibakin ito sa puwesto kapag hindi inilabas ang mga kagawad ng bureau na sangkot sa Jee Ick-joo murder. Mariin namang sinabi ng NBI director na walang sangkot na kagawad.

Pero sa pagdinig kahapon ng Senado ukol sa kaso ng pinatay na Korean businessman, lumalabas na may mga kagawad nga ng NBI na sangkot sa krimen. Pinatotohanan ito ng “striker” ng NBI na si Jerry Omlang. Si Omlang ang sinasabing spotter ng grupo at nagsasagawa ng mga surveillance sa mga Koreano na kikidnapin. Siya rin ang bumubutas ng mga gulong ng sasakyan ng mga target na Koreano.

Noong Miyerkules, pormal nang sinampahan ng kaso ng Department of Justice ang tatlong NBI agents na umano’y sangkot sa pagkidnap at pagpatay sa Koreano noong Oktubre 2016 sa Angeles City, Pampanga. Ang mga sinampahan ng kaso ay si NBI-NCR director Ricardo Diaz, Deputy for Investigation Service Jose Yap at si Task Force Against Illegal Drugs head Roel Bolivar. Kabilang din sila sa supplemental complaint na isinampa ng PNP-Anti-Kidnapping Group.

Nararapat namang bilisan ng Senado ang pag-iimbestiga sa kasong ito para lumabas na ang buong katotohanan. Hindi dapat maghintay ang asawa ng Koreano sa inaasam na hustisya. Sinabi noon ni President Duterte na ipadadala niya ang mga “ulo” ng killers sa Korea. Kasunod noon ay humingi siya ng paumanhin sa buong South Korea. Humingi rin ng sorry si PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa sa asawa ng biktima. Halos matunaw si Dela Rosa sa kahihiyan sapagkat sa loob pa ng Camp Crame pnatay ang businessman.

Matutuwa ang kaanak ng biktima kung matatapos agad ang imbestigasyon ng Senado at pormal nang gumiling sa korte ang kaso. Dapat malasap ang hustisya.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.