EDITORYAL - Hindi pa rin nauubos ang ‘kotong cops’
(Pang-masa) - March 18, 2017 - 12:00am

MARAMI pa ring “scalawags’’ sa Philippine National Police (PNP) at nagpapatuloy sa kanilang masamang gawain. Patunay na hindi sila nasisindak sa banta ni Pres. Rodrigo Duterte at PNP chief Director General Ronald dela Rosa na ipatatapon sa Basilan. Wa epek ang banta sapagkat marami pa ring naaaktuhang nangongotong o nangingikil hindi lamang sa motorista kundi pati sa vendors.

Noong isang araw, pitong pulis mula sa Manila Police Department (MPD) ang nireklamo ng mga vendor dahil sa araw-araw umanong pangogotong sa kanila. Sumugod sa MPD Headquarters sa UN Avenue ang mga vendor at nasa kanilang plakards ang mga retrato ng pulis na kanilang nirereklamo sa pangongotong. Ayon sa vendors, hinihingian umano sila ng P200 bawat isa araw-araw. Ang kanilang kinikita sa pagtitinda ay sa mga pulis lamang napupunta. Ang mga pulis na nireklamo ay pawang nakatalaga sa Ermita Police Station 5.

Nang malaman ng MPD chief ang reklamo ng vendors, ipinatawag ang pitong pulis at agad ding sinampahan ng kasong extortion. Binawi ang tsapa at kanilang baril.

Hindi pa natatagalan, dalawang pulis din sa MPD ang kinasuhan din ng extortion dahil sa reklamo ng mga motoristang nagdaraan sa San Marcelino St. Pinapara raw umano ng dalawang pulis lalo kung madaling araw ang mga taxi at hinihingian ng pera. Agad na sinibak ng MPD chief ang dalawang “kotong cops”.

Wala nang takot ang ilang pulis at patuloy sa pagsira sa imahe ng PNP. Nagmistulang mga “anay” na unti-unting ibinabagsak ang organisasyon. Mas makabubuting sampahan agad ng kaso ang mga “scalawag” at sibakin kapag napatunayan. Huwag nang itapon sa Basilan sapagkat baka sa lilipatang lugar lamang gumawa ng kabuktutan.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.