Ang negosyanteng no read, no write DIKLAP Ms. Anne
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - April 20, 2017 - 12:00am

SI Jay Thiessens ay kasalukuyang nagmamay-ari ng isang machine and tool company (B&J Machine Tool Co.) sa Amerika na kumikita nang hindi bababa sa $5 million taun-taon. Nagsimula ang negosyo sa puhunang $200.

Walang kaalam-alam ang kanyang mga kakilala, empleyado at kapwa businessmen sa kanyang sekreto. Pag-uwi niya sa bahay ay bitbit pa rin niya ang isang tambak na dokumento na kailangang rebyuhin muna bago pirmahan o aprubahan.  Dinadala niya sa bahay ang mga papeles upang ipabasa sa kanyang misis na si Bonnie ang mga nilalaman nito. Hindi kasi marunong bumasa si Jay Thiessens. Si Bonnie ang magpapaliwanag  kung ano ang mga isinasaad sa dokumento, pagkatapos ay saka pipirmahan ni Jay ang papeles.

Sa tinagal-tagal ng panahon ay walang nakaalam na hindi marunong magbasa si Jay. Nagkukunwari siyang walang panahon para magbasa ng mga papeles. ‘Yung tipikal na boss na laging nagmamadali kaya ipinapasa niya ang ibang trabaho sa kanyang mga managers.

Nakatapos ng elementary at high school si Jay na pulos pasang-awa ang grades. Pagkatapos ng high school ay nag-training sa isang machine shop at dito natuklasan ang kakaiba niyang galing pagdating sa mechanical works.

Ang mahal niyang asawa ang nakakaalam lang ng kanyang lihim hanggang isang araw ay ipagtapat niya sa publiko ang totoo. Sa halip na alipustain ay humanga sa kanya ang business community. Naging simula iyon ng sunud-sunod na pagtanggap ng karangalan mula sa iba’t ibang award giving body na kumikilala sa kanyang husay bilang negosyante.

Naisipan ni Jay na kumuha ng tutor upang turuan siyang magbasa. Gusto niyang maging kumpleto ang kanyang ga-ling. Dapat pala ay noon pa siya umamin at nagpa-tutor sa pagbabasa. Sana ay mahusay na mahusay na siya ngayon sa pagbabasa. Totoo ang kasabihang—Truth will set us free!

JAY THIESSENS
Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.