‘Online scammers, bistado na ang inyong Estilo!’ (1)
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - April 20, 2017 - 12:00am

FACEBOOK, Twitter, Instagram, YouTube --- name it! Anumang uri ng social media at pakulo sa internet, patok sa mga millennials.

Ang pinakasikat, hindi lang sa mga kabataan ay ang online shopping. Sino ba nga naman ang hindi maeengganyo sa serbisyong ito, nakakapamili ka ng iyong mga kailangan ng nakaupo at papindut-pindot lamang.

Kaya naman ang mga kawatan, nakita ito bilang isang oportunidad na makapanggoyo ng mga parokyano.

Sa talaan ng mga eksperto, mahigit limampung milyong Pilipino ang aktibong gumagamit ng internet at sa pinakahuling datos ng Philippine National Police- Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) pumapangalawa ang online scam sa mga reklamong kanilang natatanggap.

Halos 500 kaso ng online scamming ang naitala ng PNP-ACG noong taong 2016. Lumobo ito kumpara noong 2015 na nasa 300 lamang.

Hindi pa dito kasama ang mga reklamong aming natatanggap at ‘yung mga biktimang pinili na manahimik na lamang para iwas abala at sakit ng ulo.

Nakababahala, dahil patuloy ang pagdami ng mga biktima. Iba’t-ibang halaga, iba’t-ibang mukha ng mga putok sa buhong seller kuno subalit iisa ng estilo, kubrahin ang pera ng mga pobreng online shoppers.

Maka-ilang ulit na naming nai-dokumento at nai-palabas ang mga ganitong klase ng reklamo. Mga pobreng nadadala sa matatamis at mabubulaklak na pananalita ng mga taong ‘di naman nila nakikita.

Gamit ang mga magagandang larawan ng iba’t-ibang items, samahan mo pa ng konting palabok lang na mga salita ng seller, si Juan buyer agad ng nagpakawala ng pera.

May mangilan-ngilan na kaming nahuli at naipakulong subalit madami pa din ang namamayagpag at patuloy na nabibiktima dahil may ilang hindi rin nadadala, sige pa rin ang buyla.  

Babala sa mga suki ng online shopping, matalinong matsing ang mga manggagantso sa likod ng modus na ito. Lingid sa inyong kaalaman, ang inyong katransaksiyon ay gumagamit ng mga pekeng pagkakakilanlan at identification cards.

May mga kasapakat itong mga remittance centers, kinakaibigan ang mga empleyado para maging maluwag ang pag-release ng mga hinulog niyong pera.

At dahil nagtatago sa iba’t ibang pangalan ang mga dorobong ito, nahihirapan maging ang mga otoridad na lambatin ang mga mokong.

Paano makaiwas na mabiktima ng modus na ito? Abangan ang ikalawang bahagi ng kolum na ito. Ibubunyag ko pa ang ibang estilo ng mga salot na ito maging ang ilang babala upang hindi magantso…

INSTAGRAM TWITTER YOUTUBE
Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.