De Leon King
ME, STARZAN - Joey de Leon () - December 7, 2008 - 12:00am

(TARAN-TULA: Tula para sa mga tarantang-taranta kung sa Charter Change ba sila o hindi.)

I

Hoy Pinoy, hoy Pinoy, ano na, natuwa ka ba,

Na nanalo’y itim sa eleksyong Amerika?

Kung ganun siguro nama’y nakahanda ka na

Sa sariling pagbabago, dapat lang, hindi ba?

II

Kayumangging kulay natin di na mag-iiba,

Pwera lang sa mga gumagamit ng papaya,

Bangayan at takutan dapat ay matapos na,

Pili na ng tamang bahay, tayo ang titira.

III

Ako’y walang hilig talaga sa pulitika,

Kung meron man, tumakbo na sana nung araw pa,

Pero ngayon kung tatanungin n’yo aking pasya,

Klase ng gobyerno gusto ko na pong maiba.

IV

Ang gusto ko sana tayo’y maging monarkiya;

Tayo’y may Palasyo, dapat lang may hari’t reyna,

Kung kayo’y may gustong iba at may kursunada,

Magsalita kayo at ‘wag kayong parang tanga.

V

 “Constitutional” man o “Absolute” bahala ka,

Or “Absolute Elective”parang Papa sa Roma,

Tutal maraming bading na mahilig sa papa,

Basta mamili ka kaya dapat muna Cha-Cha.

VI

Pagbabago ng Carta ay napapanahon na

At kung hindi pa ngayon, ay naku, kailan pa ba?

Ang sarap ng bagong bahay at bagong asawa,

‘Wag tayong matakot, buong mundo’y nag-iiba.

VII

Ang maganda’y tanungin ang tao’t bawat isa,

Hindi lang ilang pulitiko’t ibang may kaya,

Kung ano ang nais nating gobyerno talaga,

Tayong mga mamamayan ang dapat magdikta.

VIII

Sa mga nagmamarunong ‘wag tayong padala,

Matagal nang panahon tayo ay nabobola

Ng mga dating mukha’t gusto lang umeksena,

Masahol pa ngayon, gamit pati ang media.

IX

‘Wag na lang daanin sa mga papirma-pirma,

Plebesito’ng kailangan kung gusto talaga

Na nating palitan ang takbo, Carta at porma,

Ang ating kabobohan, pwede ba tigilan na.

X

Paulit-ulit na lang ‘di ba n’yo napupuna,

Kung sino’ng nakaupo, tatanggalan ng silya,

Kaya na nga siguro ang mabuti’t maganda,

Damihan ang upuan o gumawa ng iba.

XI

Hindi pwedeng ganyan ‘pag may ilang namroblema,

Pag hiningi ang tulong mo, agad kang sasama,

Magmasid, mag-aral at ‘wag kang basta huhusga,

May isipan, may bibig at kamay bawat isa.

XII

Kung ako ma’y Charter Change, ‘wag magalit sana,

Gusto ko la’y bagong ulam sa aking panlasa,

Kayo ma’y nagdyedyeta, ‘wag kayong malisyosa,

Ano’ng malay mo, dun mo makuha ang pag-asa.

XIII

Ang bawat eleksyon parang iniksyon lang, di ba?

Patangos-ilong, padagdag-suso kapareha,

Ba’t di baguhin kalooba’t kaluluwa,

Ba’t di buong pagkatao, para mas masaya.

XIV

Siguradong maraming tataas ang kilay d’yan,

Ay naku mga bakla, wis ako pakialam,

Basta ito’y personal, pansarili ko lamang,

New name ng ‘Pinas na aking pinag-iisipan.

XV

Meron kaming naisip ng anak kong si Jako,

Pangalan ng Pilipinas pag tayo’y nagbago,

Pag tayo’y monarkiya na, parang UK tayo,

“Enchanted Kingdom” gusto naming itawag dito!

XVI

Ano kaya’t ako maging hari ng palasyo,

Sa Malacañang Palace nandun ang aking trono,

Gagawin kong Punong Ministro ay si Vic Sotto,

Higit sa lahat, DE LEON KING ang titulo ko!

XVII

Op kors interkors huli kong tinura’y JOKE lamang,

Pero hindi biro ating pinagdaraanan,

Ating sitwasyon dapat nating pag-isipan,

‘Di puro salita’t yabang ating kailangan. 

XVIII

Yung iba kaya ayaw, kasi takot lang nila,

Baka lang daw magamit sa extension ni Gloria,

Kung ganyan ang isip n’yo puro “baka” at duda,

Eleksyon taon-taon para walang problema.

XIX

Republika ng Praning-pinas ang dapat pala

Ang itawag sa atin kung ganyan ating asta,

Parang hindi kayo bilib sa Pinoy na masa

Na may sariling kusa pag labis na talaga.

XX

Akala ko ba ay hanga kayo kay Obama

Sa sinisigaw n’yang CHANGE na ipinanalo n’ya,

O bakit kayo ngayon ay natataranta na

Pag tayo na ang magtse-CHANGE... ano ba talaga?

H H H

Ops, after TWENTY stanzas, CHANGE topic na tayo —

Siyanga pala, alam n’yo ba kung bakit TWENTY stanzas ang ating TARAN-TULA for today? Kasi nga, palapit na nang palapit ang ISKUL BUKOL: 20 Years After!

Speaking of ISKUL BUKOL mga KaWanbol, nakalabas na po ang mga WANBOL UNIVERSITY T-SHIRTS at iba pang JOEY DE LEON’S TEASE Shirts na available sa lahat ng SM Department Stores nationwide. Tutal laban ngayon ni Pacman... PACQUIAO-win n’yo na!

ABSOLUTE ELECTIVE ANO CHARTER CHANGE KUNG LANG LSQUO PAG TAYO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.