Hindi katulad ng iba na may kasalanan Dawn totoo ang luha kay Kuya Germs
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 13, 2016 - 9:00am

Noong araw, kung sabihin ay may apat na haligi ang GMA 7. Ang mga show kasi nila noon ang top raters at top moneymakers din. Sa shows lang nila nangyayari na para makapagpasok ka ng commercial, kailangan magbayad ka ng iba pang spots na floating. Ibig sabihin, mailalagay ng Channel 7 sa alinmang shows nila.

Ang apat na iyan ay sina Helen Vela, Inday Badiday, Vilma Santos, at German Moreno. Noong araw, basta binanggit mo ang pangalan nila, GMA 7 iyan. Although may pagkakaiba rin, dahil noong panahong i­yon, si Helen Vela ay may sari­ling produksiyon ng kanyang mga drama. Si Inday Badiday ang producer mismo ng kanyang mga sinusundang talk shows. Ang show ni Ate Vi ay ginagawa ng ibang production company. Si Kuya Germs lang ang talagang kumukuha ng mga tauhan sa GMA 7.

Natatandaan namin noon, basta may hindi gusto ang mga employee at nagbabanta ng isang strike, itatama nila iyon ng Biyernes. Ibig kasing sabihin noon, hindi makaka-air ang show ni Ate Vi, at sigurado kakausapin sila agad ng management kaysa mawala ang mil­yong pisong kikitain sa mga commercial ng show.

Kung itatama naman nila iyon sa GMA Supershow, alam nila na pakikiusapan agad sila ni Kuya Germs, at sino nga ba sa kanila ang makakatanggi sa Master Showman?

Matagal nang wala si Ate Helen. Wala na rin si Ate Luds. Ngayon, wala na rin si Kuya Germs. Pero kahapon, dumalaw sa burol ni Kuya Germs ang natitirang haligi ng network noong araw, si Ate Vi.

Inamin ni Ate Vi na noon, hindi sila ganoon ka-close ni Kuya Germs. Kasi nga mas close iyon at alaga noon si Nora Aunor. Pero hindi naman ikinakaila ni Ate Vi na binibigyan din siya ng payo ni Kuya Germs kung sila ay nagkakasama. May ilang pelikula si Ate Vi na kasama si Kuya Germs. Isa na nga roon ang Dyesebel.

Bagama’t pareho silang nagsimula sa Sampaguita Pictures, noon talagang na­ging aktibo na si Ate Vi bilang artista, siya ay nasa Tagalog Ilang-ilang Productions at si Kuya Germs naman ay nanatili sa Sampaguita. Kaya mas nakasama niya at naging director pa siya ng pelikula ni Nora Aunor. Naging co-host din siya ng TV show ni Nora Aunor, nang yumao na si Eddie Peregrina na unang kasama nga ni Nora. Ang show nila ay tumagal ng 26 years.

Si Ate Vi naman noon, mas naging identified kay Ike Lozada, na nakasama naman niya sa mas maraming pelikula. Noong pasukin naman ni Ate Vi ang TV shows, ang itinambal sa kanyang mga co-host ay kung sino ang mga matinee idols of the time.

Ang sabi nga ni Ate Vi, ano man ang sabihin ng iba, “He is Kuya Germs, a kuya to all of us”. Nasabi pa nga niya, “Kami lahat ate ang tawag sa amin. Nag-iisa siyang kuya so how do you forget him.”

Ang isa pang alam naming sincere ang na­ging pag-iyak nang dumalaw sa burol ni Kuya Germs ay si Dawn Zulueta. Talaga kasing naging close sila eh. Talagang pina­ngangaralan ni Kuya Germs noon si Dawn. At saka malaking tulong ang master showman para siya makababa sa masa.

Hindi lahat ng umiyak doon ay totoo. May iyak kasi nang iyak doon, pero palagay namin ay iyak ito ng pagsisisi dahil sa kabila ng mga tulong na nagawa sa kanya ng master showman noong araw, may pana­hong iniiwasan niyang mag-guest sa kanyang TV show.

ACIRC ANG ATE ATE VI GERMS HELEN VELA KUYA KUYA GERMS MGA NILA NORA AUNOR
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.