Kesa ’pag kasal na Angel at Luis tama ang ginawang paghihiwalay
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 28, 2016 - 9:00am

Pinag-uusapan nila ngayon ang sinasabi nilang “split” daw nina Luis Manzano at Angel Locsin. May nagsasabi namang “hindi split pero on the rocks lang”. Ano man ang totoo sa mga tsismis, iisa lang ang ibig sabihin noon. Hindi maganda ang sitwasyon nila.

Sinasabi naman naming tsismis lang iyon dahil usapan ngang nagmumula sa ibang tao. Hindi naman kino-confirm ng sino man kina Angel o Luis ang mga tsismis. Maaari namang nagkakagalit lang sila, na natural lang naman nangyayari sa kahit na sinong magkarelasyon.

Maaaring nagkakatampuhan lang o may hindi napagkakasunduan, pero hindi pa talagang split.

Pero kung nag-split na nga silang dala­wa, ang palagay namin mas mabuti pa rin iyon. Kung natatandaan ninyo, naging mag-on na sila noong araw, tapos nag-split na rin naman. After some time nagkasundo sila ulit at naging sila na naman. At kung totoong naghiwalay na naman sila, it just shows na may mga bagay talagang hindi nila mapagkakasunduan. Whatever it is, personal na iyon. Wala na tayong pakialam kung ano ang reasons nila. Pero kung lumalabas nga na may mga bagay na hindi nila napagkakasunduan, at sa tingin nila ay hindi maaaring magkaroon ng compromise, mas mabuti na iyan kaysa umabot pa sila doon sa sitwasyong magpapakasal sila tapos hindi sila magkakasundo at maghihiwalay din.

Kasi kung aabot sa ganoong sitwasyon, may iba pang taong maaapektuhan, at iyon ay ang kanilang mga magiging anak. Isa pa, mas ok naman iyong mag-syota na nag-split kaysa sa mag-asawang naghiwalay, no matter how you look at it.

Parehong dapat maging maingat sa kanilang relasyon sina Angel at Luis. Aminin natin na pareho naman silang nagmula sa isang broken family. Tama lamang naman siguro na isipin nilang lagi na ang kanilang nadamang kakulangan kahit na papaano noong panahong bata pa sila na hindi na maranasan ng kanilang magiging mga anak kung sakali.

Julia nakalibre na sa tsismis

Maganda ang ginawa ni Julia Clarete na li­wa­nagin ang mga tsismis na nag-uugnay sa kanya sa naging split ni Ciara Sotto at asawa nito. Masama nga kasi ang timing, dahil nang pumutok ang kuwento ay siya namang biglang pag-alis ni Julia sa Eat Bulaga nang wala man lang paalam. Ang masakit pa, walang kumibo sa pagkawala niya. Walang ibang kuwento kaya siya ang napagbintangan.

Iyon pala, personal nga rin kasi ang dahilan. Matagal na sila ng kanyang boyfriend at na-realize nila na hindi maaaring mabuo ang kanilang relasyon habang nagtatrabaho si Julia. Iyon ang dahilan kung bakit naisipan nilang ituloy na ang kanilang balak, at manirahan na sa abroad para matahimik ang kanilang buhay. Nag-decide silang mag-settle sa Kuala Lumpur, Malaysiya, kung saan hindi siya isang celebrity at makapamumuhay sila nang tahimik.

Libre na ngayon sa tsismis si Julia.

Dating aktor suma-sideline para mabuhay ang mga anak

Kawawa ang isang dating male star. Nahiwalay na siya sa asawa niya na ang tsismis ay niloko siya. May girlfriend siya ngayon na sumusuporta sa kanya dahil nagtatrabaho iyon bilang isang entertainer sa abroad. Pero hirap siya dahil kailangan niyang buhayin ang mga anak niya, at natural hindi naman siya makahingi sa girlfriend niya ng kailangan ni­yang ibigay sa kanyang mga anak. Napipilitan siyang gu­mawa ng “sideline”, pero kahit na may hitsura pa naman siya, isang katotohanan na matanda na siya.

ACIRC ALIGN ANG HINDI JULIA LEFT MGA NAMAN QUOT SILA STRONG
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.