Heart Evangelista

Mala-mansyon ang bahay Heart may balkonahe ang closet
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 23, 2016 - 12:00am

Pinasilip ni Heart Evangelista ang isang bahagi ng pinapagawa niyang bahay na magsisilbing tahanan nila ng asawang Sen. Chiz Escudero at ng magiging pamilya nila.

Sa post ng Kapuso actress sa Instagram account niya, saad niya, “Welcome to the balcony of my walk in closet! A little teaser of my future home I’ve worked so hard for. Praise you Papa, Jesus for everything!”

Target ni Heart na matapos ang bahay ngayong taon. Hindi naman niya ipinagkakaila na sariling pera niya ang pinantustos sa paggawa ng bagong bahay.

Tutal naman, meron naman silang pre-nuptial agreement ni Sen. Chiz.

Eh bukod sa regular series niya sa GMA na Juan Happy Love Story, may iba pang pinagkakakitaan si Heart pagdating sa pagdi-design ng damit, bags, make up line at iba pang negosyo.

Mark hindi kinayang ipitin si ‘Jun Jun’

Hirap mang magpaka-beki sa bagong comedy show na Conan, The Beautician, bago para kay Mark Herras ang papel niya. Straight guy kasi siya na magpapanggap na bading para mapalapit sa minamahal niya na ginagampanan ni Megan Young.

So marami siyang eksenang nakadamit pambabae at todo ang make up with matching wig. Saan siya hirap?

“Sa pag-ipit (ng junjun niya)! Ha! Ha! Ha! Hindi! Hindi” biro ni Mark. “Siguro ‘yung adjustments lang sa pagsuot ng damit babae kasi hindi naman ako sanay magsuot ng ganoon,” sey pa ng aktor.

Aminado rin siyang naiilang kapag naka-pambabaeng suot pag ang eksena nila ay sa kalye. Doon lang daw sa parteng ‘yon siya nag-a-adjust.

Paano niya naitatago si “jun jun”?

“Pag hindi maitago, tatakpan ko lang ng props! Ha! Ha! Ha! Totoo ang sinasabi ko. Pag sa eksenang makikita ninyo ako na may plastic bag ako sa harapan, medyo mapapansin ninyo na, ‘Bakit nasa harapan?’ Pinoprotektahan ko si “jun jun.’ Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Mark.

“Hindi ko talaga kayang mag-ipit. Nakakailang. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko na-try!” dahilan ng Kapuso actor.

Pagdating naman sa mga bading, hindi naman daw siya homophobic. “My parents are both gay. Hindi naman ako nagkaroon ng bahid na ganoon din. I’m proud sa parents ko,” sey niya.

‘Yun nga lang, never siyang naligawan ng ba­ding. “Marunong lang akong makisama and I love gay people!” deklara ni Mark.

Rhian bubuhayin ang role ni Ate Vi

TV version pala ng movie ni Vilma Santos na Sinungaling Mong Puso ang GMA afternoon drama na papalit sa Hanggang Makita Kang Muli. Bibida rito si Rhian Ramos na bubuhayin ang role ni Ate Vi kaya kinakabog na ang dibdib ng Kapuso actress.

“Pressured and at the same time challenged ang feeling ko sa bago kong project. I feel like marami akong matututunan dito sa show especially sa role na isang Vilma Santos ang gumawa. Sobrang saya na for me to be able to play the same role,” saad ni Rhian.

Makakasama ni Rhian sa bagong series sina Rafael Rosell, Kiko Estrada, Jazz Ocampo at iba pa.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.