Edu Manzano at Angel Locsin

Alam kaya ni Luis? Edu at Angel, super close pa rin!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 15, 2016 - 12:00am

Si Angel Locsin naman pala ang nagbilin kay Edu Manzano na pasalubungan siya ng mga refrigerator magnet nang pumunta sa New York ang ama ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano.

Mga refrigerator magnet ang kolek­syon ni Angel at ‘yon ang dahilan ng pag­papasalamat niya kay Edu sa social media.

Kahit hiwalay na sila ni Luis, in good terms pa rin si Angel kay Edu at sa mga kapatid ng kanyang ex-boyfriend.

Matatandaan na magkakasama na nagbakasyon sa ibang bansa sina Edu, Angel at Luis at nang bumalik sila sa Pilipinas, saka naghiwalay ang dalawa kaya naloka ang fans nila na nag-expect na hahantong sa kasalan ang Part 2 ng kanilang love story.

Camp Sawi hindi nagpatinag sa malakas na ulan

Malakas ang buhos ng ulan kahapon pero hindi ito naging sagabal sa shooting ng Camp Sawi sa ancestral house ng mga Vera Perez sa Valencia Street, Quezon City.

Wedding scene ang kinunan kaya kumpleto ang cast, maliban kay Yassi Pressman na housemate pa rin ni Kuya sa Pinoy Big Brother house sa Vietnam.

Tinatapos na ang shooting ng Camp Sawi dahil next month na ang playdate ng pelikula ng Viva Films tungkol sa mga babae na sawi sa pag-ibig.

Direk Mark hindi trabaho ang turing sa Encantadia

Malaking challenge kay Mark Reyes ang maging direktor ng requel ng Encantadia kaya may-I-share niya sa presscon ang kaba, tuwa at excitement na nararamdaman.

Nakadagdag sa ligaya ni Mark ang full support ng GMA-7 sa telefantasya na mag-uumpisa sa July 18.

“Last year, when I got a call from Ms. Lilybeth Rasonable and she said ‘Go na ang Encantadia,’ I had mixed emotions because it’s pretty hard to outdo the first one because 11 years ago, history was made.

“Ito po, hindi po ito trabaho para sa amin, itinuturing po namin ito na parang isang bokasyon. Hindi po pwedeng gawin ang Encantadia kung hindi ka dedicated.

“And with the energy that this new cast is giving me, kahit mahirap, lahat possible naming magawa. And I can’t thank the network enough to believe that the project that has been very expensive and the crew that has been with me since day one until now is being supported by them again,” ang emosyonal na sabi ni Mark.

Max maagang nahiwalay kay Pancho

Starring sa Encantadia ang real-life lovers na sina Pancho Magno at Max Collins pero hindi sila nagkasama sa mga eksena.

Guest star lang si Max sa Encantadia dahil natsugi agad ang karakter niya sa pilot week. Mahaba at matagal ang exposure ni Pancho sa Encantadia dahil siya ang gumanap na Hitano, ang role na unang ginampanan ni Polo Ravales sa 2005 version.

Sunshine iwas na sa isyu ng asawa

Nag-babu agad si Sunshine Dizon sa presscon ng Encantadia dahil umiwas siya na magpainterbyu sa entertainment press.

Nag-join lang si Sunshine sa pagpapakilala sa cast ng Encantadia at pagkatapos nito, umalis na siya dahil alam niya na mangungulit ang mga reporter tungkol sa hiwalayan portion nila ng kanyang mister na si Timothy Tan na siya rin ang nag-share sa public.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.