Ate Vi may panukalang batas na alisan ng tax ang overtime
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 21, 2016 - 12:00am

Nagsimula nang magtrabaho si Vilma Santos. Ngayon ay mayroon siyang panukalang batas na naglalayong alisin ang tax mula sa overtime pay ng mga manggagawa. Sinabi niyang makikinabang diyan ang mahigit na 38 milyong manggagawang Pilipino kung sakaling magiging isang batas iyan.

Inamin din niyang iyan ay nangangahulugang mababawasan ang kita ng gobyerno, pero mababawi rin naman iyon dahil kung maraming pera ang mga tao, mas makakabili sila ng mga pangangailangan at gusto nila na may tax din naman.

Malaki rin ang tax na ibinabayad ng mga manggagawa sa overtime pay, lalo na iyong mga nagta­tra­baho sa gabi, at mga pumapasok kahit na holiday.

Pero tingnan ninyo ang malaking pagkakaiba ng mga mambabatas. Mayroon sa kanilang nag-iisip kung ano ang bagong taxes na pababayaran sa masa, dahil kailangan ng gobyerno ng karagdagang pera. Pero mayroon namang kagaya ni Ate Vi na ang iniisip ay magbawas ng tax para magkaroon ng kaluwagan ang mga manggagawa.

Sabi sa amin ng isang fan ni Ate Vi, “Dahil sa mga ganyang ginagawa niya, titiisin na muna namin kahit hindi namin siya mapanood sa isang pelikula, kasi para sa kabutihan naman ng marami iyan eh.”

Maski sa kanyang showbiz career ay iba ang pananaw ni Ate Vi. Ang laki sana ng kikitain niya bilang isang aktres, puro malalaking pelikula naman ang ginagawa niya eh. Hindi siya iyong pang-low budget indie films lang.

Pero sa kabila noon, hindi siya tanggap nang tanggap ng proyekto. Lahat pinag-aaralan niya. Hindi siya gagawa ng pelikula na ang kuwento ay nakasulat lang sa palara ng sigarilyo, hinahanap niya ang script talaga. Hindi siya kagaya ng iba na dahil sa matinding pangangailangan, gumagawa ng kahit na anong projects na hindi naman kumikita.

Movie writer na napagkamalang lover ni Sen. De Lima magde-demanda

Sige basahin ninyo ang balita ng mga blogger. Natawa kami nang ang movie writer na si Roldan Castro ay napagkamaliang driver-lover ni Senador Leila de Lima. Talagang kabi-kabila ang labas ng pictures niya sa mga blogs, kasama ang senador.

Nagreklamo rin naman ang dating boyfriend ni Karen Bordador na si Chris Tan. Kasi lumabas din ang pictures niya kasama ni Bordador at sinasabing siya ang boyfriend noon na nahuli dahil sa droga.

Natatandaan ba ninyo ang kaso noong si Nestor Punzalan, na kinilala ng isang blog na siyang bumaril sa biker sa Quiapo, ganoong wala naman siyang kinalaman doon. Iyan ang kaibahan ng lehitimong media kaysa sa tinatawag nilang social media. Iyang social media, walang responsibilidad iyan eh. Marami riyan ni walang pangalan nila.

Kahit na showbiz, marami silang ibinabalitang palpak, at iyon ang dahilan kung bakit sa dinami-rami nila, nagkalat nga sila kung may mga presscon eh, mas naniniwala pa rin ang mga tao sa legitimate media.

Tingnan ninyo kung ano pa ang nangyari, kapo-promote nila ng kanilang mga pelikula sa mga blog, ngayon ay lumalabas na rin sa mga blog ang mga pirated copies ng kanilang pelikula.

Kaya nga natatawa kami riyan, maliwanag na ang social media ay hindi maaaring maging kapalit ng lehitimong media pagdating sa kredibilidad. Maaaring magdemanda si Roldan Castro dahil sa sinabi nilang siya ang driver na karelasyon ni Sen. de Lima. Maaari ring magdemanda si Sen. de Lima dahil sa lumabas na iyon, pero sino ang idedemanda nila eh blogger lang iyon?

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.