Kiko napagbintangan sa pagbubuntis umano ni Kim Rodriguez
Ruel Mendoza (Pang-masa) - May 18, 2017 - 4:00pm

Nagulat ang Kapuso actor na si Kiko Estrada nang may magtanong sa kanya kung totoong buntis daw ang ex-girlfriend niyang si Kim Rodriguez.

Hindi raw nakasagot agad si Kiko dahil ma­tagal na niyang hindi nakikita or nakakausap si Kim.

“I honestly don’t know kung ano ang mga nangyayari na sa buhay ni Kim.

“Magkaibigan pa rin naman kami. Pero we haven’t been communicating a lot dahil naging busy ako at busy din naman siguro siya.

“Ni hindi ko nga alam kung may bagong boyfriend siya.

“Kaya noong may magtanong kung totoong buntis siya, hindi ako agad makasagot kasi wala akong alam.

“Sana, hindi po totoo ‘yan kasi sayang naman ang career niya,” diin ni Kiko.

Anyway, sa telefantasya na Mulawin Vs. Ravena, first time makakatrabaho ni Kiko ang kanyang tito na si Joko Diaz. Manong ang tawag ni Kiko kay Joko.

“Bata pa lang ako, manong na ang tawag ko kay Tito Joko.

“We are actually very close at nakakatuwa na magkasama kami sa isang show for the first time.

“I’m sure na masaya si Lolo (Paquito Diaz) kasi iyon ang dream niya na three generations of Diaz men na magsama sa isang project. Kaso nauna nang mawala si lolo, kaya kami ni Manong, we’re making the most out of it,” ngiti pa ni Kiko.

Natuwa rin si Kiko na kasama si Angelu de Leon sa Mulawin Vs. Ravena. Pinsan kasi ni Kiko ang anak ni Joko kay Angelu na si Louise Nicole.

“I think okey na silang dalawa. Kaya walang problema na nasa iisang show sila.

“First time ko ma-meet sina Tita Angelu at si Nicole noong wake ni lolo noong 2011. Doon ko lang unang nakilala ang pinsan kong si Nicole.

“Ngayon, we’re all okay and everybody’s happy,” pagtatapos pa ni Kiko Estrada.

Hajji wish na maibalik ang kasikatan ng OPM

Isa sa matatawag na hari ng OPM noong dekada ‘70s hanggang ‘80s si Hajji Alejandro. Isa siya sa mga naging singer sa tinatawag na Golden Age of Pinoy Music.

Naging big hits ang kanyang mga single na Panakip-Butas, May Minamahal, Tag-Araw, Tag-Ulan, Nakapagtataka, Ikaw at ang Gabi, Kay Ganda Ng Ating Musika at marami pang iba.

Nabigyan pa siya noon ng titulong “Kilabot ng mga Kolehiyala” dahil maraming babaeng nai-in love kapag napapanood siyang umawit.

Kabilang si Hajji sa nalulungkot sa hindi magandang kalagayan ng OPM sa bansa.

Aware si Hajji na mas tinatangkilik ngayon ng maraming kabataan ang mga foreign artists. Pero sana naman daw ay bigyan-pansin din ng millennials ngayon ang magandang tunog ng OPM.

Gusto sana ni Hajji na maibalik ang galing ng Pinoy sa pagsulat ng awit tulad noon na may song-writing competition na Metro Manila Popular Music Festival or Metropop.

“Metropop gave birth to so many songwriters sa bansa. Diyan nanggaling sila George Canseco, Freddie Aguilar, Louie Ocampo, Jose Mari Chan, Charo Unite, Gines Tan, Gary Granada, Nonong Pedero and so many others who gave us those unforgettable OPM songs na inaawit pa rin ng mga baguhang singers ngayon.

“How we all wish na bumalik ang ganyang klaseng contest para muling ma-enrich ang bagong generation sa OPM.

“Kailangan lang ng matinding push para muling mag flourish ang OPM sa bansa natin,” diin pa niya.

Kaya sa May 27, mapapanood si Hajji kasama sina Ariel Rivera, Christian Bautista, Joey Generoso, Nina at Jinky Vidal para ipakita ang husay ng OPM artists sa restaging ng #LoveThrowback2 (The Repeat) sa PICC Plenary Hall.

Anthony Bourdain lantaran na ang relasyon sa Italian actress

Isinapubliko na ng world-renowned American chef, author at TV personality na si Anthony Bourdain ang kanyang relasyon sa Italian actress-singer na si Asia Argento.

Unang nakilala si Argento sa pelikulang XXX kunsaan bida si Vin Diesel.

Sa pamamagitan ng Instagram ay ginawang official na nina Bourdain at Argento ang kanilang relasyon.

Unang nagsimulang mag-date ang dalawa noong nakaraang February 2017.

Divorced na si Bourdain sa kanyang second wife na si Ottavia Busia noong September 2016.

Ikinasal sila noong 2007 at may isang anak.

Unang ikinasal si Bourdain kay Nancy Putkoski na nagtagal for 20 years.

Si Argento naman ay may dalawang anak sa dati niyang karelasyon.

Namataan ang 60-year-old celeb chef at ang 41-year-old actress na magkasama sa Rome para sa ginagawa nilang episodes for the show Parts Unknown.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.