Gil nasarapan sa 9 takes na laplapan nila ni Jennylyn!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 19, 2017 - 4:00pm

Pormal nang ipinakilala ang buong cast ng My Love From The Star led by Jennylyn Mercado sa grand presccon na ginanap last Thursday. Siyempre, kabilang sa humarap ang baguhang leading man ni Jen na si Gil Cuerva na first time naming nakita in person at ng iba ring entertainment press.

Sa malapitan at malayuan, guwapo nga si Gil and even on the screen base na rin sa trailer. What makes him distinct ay ang kanyang long hair na bagay naman sa kanya. And yes, may chemistry na agad sila ni Jen considering na nine years (he’s 21 and she’s 30) ang age gap nila. Ang cute ng mga eksena nila together, sa totoo lang.

First acting experience ni Gil ang MLFTS. Nag-audition siya for the role of Matteo Domingo but prior to this, isa siyang model by profession.

Actually, before I auditioned, may kontrata po ako sa Thailand, magmo-model po ako sa Thailand. Actually, nasa Pilipinas po ako for 2 weeks, para lang ayusin ang visa ko para sa Thailand.

“Tapos may nag-email sa akin na mag-audition ako sa show. Sabi ko, why not, try lang, let’s see where it goes. So, ayun, nakuha ko po, so I had to sacrifice ‘yung pagmo-model ko sa Thailand. Actually, ‘yung modeling as a whole, isa-sacrifice ko na kasi acting ‘yung naging focus ko,” kwento ni Gil nang makatsikahan namin.

Sobrang thankful niya na siya ang napili for the role at maging leading man ni Jen sa dinami-dami ng nag-audition. Aniya, wala pa man siya sa showbiz ay kilala niya siyempre si Jen at napanood na niya noon pa ang mga naging pelikula nito.

“So, nu’ng nakuha ko ‘yung role, “wow, ako ‘yung magiging partner ni Jennylyn”, so sobrang wow,” sabi ni Gil.

Na-starstruck nga raw siya nang makita niya si Jen at sa araw-araw nilang pagtatrabaho ay marami pa siyang na-discover na magandang qualities ng kapareha.

Sa trailer ay may ipinakitang kissing scene sina Jen and Gil kaya naman inurirat sila ng entertainment press tungkol dito. At heto ang rebelasyon ng dalawa – inabot pala sila ng nine takes sa nasabing eksena.

Paano raw kasi, nagkakahiyaan sila noong una lalo na nga si Gil na aminadong na-starstruck kay Jen at ilang na ilang na halikan ito.

“Siyempre, si Jennylyn ‘yun, ‘ ba? So, talagang nahiya ako, kinabahan ako, hindi lang basta-bata ‘yung ka-kissing scene ko, si Jennylyn pa talaga, so I guess a lot of nervousness came out and it took a lot of tries para mawala ‘yun, para lang maisip ko na I’m just part of the scene, para ma-enjoy ko,” sabi ni Gil sa sosyal niyan pananagalog.

Kwento naman ni Jen, talaga raw pinaulit-ulit sila sa kissing scene ng direktor na si Joyce Bernal hanggang hindi nila nakukuha nang tama at talagang sinabihan sila na hindi sila uuwi kung hindi nila aayusin.

Kasi, walang ma-feel si direk,” paliwanag ni Jen, “parang nakikita ni direk na nahihiya pa kami sa isa’t isa.”

On the 9th take, finally ay nagustuhan na ni Direk Joyce ang eksena at inokeyan na.

Magsisimula na sa May 29 ang MLTFS sa primetime slot ng GMA 7 at kasama rin dito sina Gabby Eigenmann, Christian Bautista, Glydel Mercado, Jackie Rice, Renz Fernandez, Melissa Mendez at marami pang iba.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.