The Debutantes Cast

Horror film nina Sue, Miles, Jane, Chanel, at Michelle pina-high tech!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 13, 2017 - 4:00pm

Apat na baguhang artista na sina Sue Ramirez, Miles Ocampo, Jane de Leon, Chanel Morales, at Michelle Vito ang pinagsama-sama sa isang horror film na ipalalabas na sa ika-4 ng Oktubre, ang The Debutantes.

Siguro nga tatanungin natin, bakit mga baguhan silang lahat? Bakit ilalabas sa unang linggo pa lamang ng Oktubre ang pelikula ganoong katapusan pa ng buwan ang Halloween, na siyang tamang panahon para sa isang horror movie na kanilang ginawa. Pero para sa isang kumpanya na itinatag 58 years ago, una bilang isang film distribution outfit na nagbalik ng mga pelikulang reissue at nagawang hits, tapos ay pumasok na nga sa produksiyon noong 1976 pa, at gumawa ng maraming hits, mahirap mong sabihing wala sa ayos iyan. Iyang Regal, ano mang pelikula ang gawin, mas maraming nagiging hits at isa lang ang sikreto niyan, ang pagiging movie fan ni Mother Lily, at sinasabi nga niyang ginagawa niya ang mga pelikulang gusto niyang mapanood bilang isang movie fan. Lahat ng major film companies na kasabayan niya, nawala nang lahat, pero ang Regal ay patuloy pa rin sa produksiyon.

Marami siyang experimental films kahit na noong araw. Gumagawa siya ng mga pelikulang may bagong konsepto. Ilang artista na ba ang sumikat sa Regal? Simulan mo sa una nilang contract star na si Alma Moreno. Ang mga unang Regal babies, practically unknown si Dina Bonnevie noon. Nasa tinatawag na awkward stage naman sina Maricel Soriano at Snooky Serna. Mga baguhan pa lamang noon sina Alfie Anido, Gabby Concepcion at Jimi Melendez pero gumawa sila ng isang box office history.

Iyang mga indie, si Mother Lily Monteverde rin ang unang gumawa niyan, pero nakita niya ang problema. Nakita niyang hindi pa ito napapanahon. Kaya ang ginagawa niya, pinababayaan niya ang mga anak niyang producers na rin para gumawa ng mga ganyang pelikula, pero siya mismo ay nanatili sa paggawa ng mainstream movies, iyong mga pelikulang gustong panoorin ng movie fans na tulad niya. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, nananatiling isang major film company ang Regal.

Ngayon, kung ganyan nga ang takbo ng isipan ni Mother, papaano mo sasabihing hindi niya magagawang hit ang The Debutantes? Tiyak na pinag-aralan niya iyan. Maski na iyong trailer ng pelikula, tiyak na binantayan niya iyon. Isa pa sigurong dapat nating banggitin, expert ang Regal pagdating sa horror. Ilang series nga ba inabot ang Shake, Rattle & Roll? Sila rin ang unang gumamit ng teknolohiyang “animatronics” noong gawin nila ang Tiyanak.

Sa nakita naming trailer ng The Debutantes, gumamit naman sila ng computer generated images o CGI, iyan kasi ang moderno.

Gamit ang isang makabagong teknolohiya na siyang ginagawa rin ngayon kahit na ng malalaking film producers sa US at Europe, ginawa nga nila ang horror movie na iyan. Malakas ang kutob namin na kakagatin iyan ng publiko.

Palagay din namin, pagkatapos ipalabas ang The Debutantes, mayroon tayong apat na bagong sikat na stars.

At kung iyon nga ay isang indikasyon, biglang tumigil ang malakas na bagyo at pagbaha bago nagsimula ang media launching ng pelikula, aba eh siguradong maganda nga ang resulta niyan.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.