Quezon City Mayor Herbert Bautista

Senado papasukin ng mga bagito!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 21, 2017 - 4:00pm

Nabasa ko ang line up ng mga tatakbo na senador at cute sa akin na tatakbo si Congresswoman Geraldine Roman at Congressman Albee Benitez.

Gusto ko kasi na mga bagets na ang mga bagong senador natin at okey sa akin na mag-retire na ang mga oldtimer. Bigyan naman nila ng chance ang mga baguhang senador na fresh ang mga idea at hindi mga trapo.

Reliable pa rin ang mga old names pero mas ganado kung may fresh faces.

Lumusot sana sa darating na eleksyon ang mga bagong mukha na may mga bagong ideas.

Very apolitical ako, I vote by emotion, kaya ‘di ko masyado inaalam ang mga isyu pero base sa mga performance nila sa kongreso, alam ko na  maganda rin ang ipapakita nina Congresswoman Geraldine at Papa Albee sa senado, kapag nag-win sila.

Wish ko rin na kumandidato na senador ang favorite ko na si Papa Toby Tiangco. Iboboto at ipapangampanya ko si Papa Toby kapag tumakbo siya, promise. Happy birthday Papa Toby.

Pres. Duterte, dapat tularan ng mga kakandidato

Lumilitaw rin ang name ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa listahan ng mga senatoriable.

Pero walang kinukumpirma o idine-deny si Bistek dahil maaga pa para magsalita siya tungkol sa political plans niya.

Mas gusto ni Bistek na mag-focus muna sa kanyang mga work bilang alkalde ng Quezon City, kahit last term na niya.

Sa true lang, mahirap para sa mga hinihikayat na kumandidato na senador ang  magsalita tungkol sa kanilang mga plano dahil malamang sa hindi na sisiraan sila ng mga kalaban nila sa pulitika tulad ng nangyari noon kina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Wise talaga si President Rodrigo Duterte na last minute nang mag-file ng candidacy noong November 2015 kaya hindi siya gaanong nasiraan ng kanyang mga kalaban sa pulitika. Nakaligtas si Papa Rody sa mga detractors na unang siniraan sina Senator Grace Poe at former Vice President Jojo Binay.

Ate Vi malinis ang record

Perfect din na maging senador ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.

Kung karanasan sa public service ang pag-uusapan, may karapatan si Mama Vi na tumakbo na senador sa susunod na eleksyon.

Mula sa pagiging mayor ng Lipa City, nahalal na gobernadora ng Batangas province at eventually, ibinoto na kongresista ng lone district ng Lipa City si Mama Vi.

Kung siya ang kakandidato na senador, sure winner si Mama Vi dahil napakalinis ng record niya bilang public servant.

Christian magaling lang pag bading!

Agree ang lahat sa sinabi ni Jun Lana na si Barbs ang minahal ng mga tao, hindi si Christian Bables.

The who si Barbs? Siya ang lovable character na ginampanan ni Christian sa Die Beautiful at nagbigay sa kanya ng mga acting award.

Matapos gumanap na Barbs, waley na ang acting ni Christian dahil napansin ng mga vaklush na magaling lang siya sa pagganap na bading pero hindi kinakagat ng tao ang mga straight role niya sa movies.

Nalunod sa isang basong tubig ang bintang kay Christian na nag-feeling sikat na, kahit kakapiranggot pa lang ang napapatunayan niya sa showbiz.

Hindi na type ng entertainment press si Christian dahil kung nagawa nito na tablahin si Jun na nagbigay sa kanya ng malaking break sa entertainment industry, ang ibang tao pa kaya na walang naitulong sa career niya?

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.