GMA, P-Noy, Pres. Digong

Katorse anyos na, PM naka-tatlong Pangulo na!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 7, 2017 - 4:00pm

Happy 14th anniversary sa PM! Imagine, fourteen years old na pala ang daily afternoon column ko sa PM? Parang kailan lang nang matanggap ko ang offer ni Papa Miguel Belmonte na magsulat ako para sa afternoon tabloid ng Star Group of Companies.

Tatlong pangulo na ang napagdaanan ng PM, si President Gloria Macapagal-Arroyo, si Noynoy Aquino at si Papa Rody Duterte pero nananatili na matatag ang PM.

Ang PM ang dahilan kaya nabigyan din ako ng daily column sa PSN (Pilipino Star NGA­YON). Siyempre, hindi ko puwedeng iwanan ang PM dahil dito nagsimula ang lahat. Nag-babu man ang Startalk sa telebisyon, naririto pa rin ang PM na patuloy na tinatangkilik at binabasa ng milyun-milyong Pilipino kaya maraming salamat sa lahat ng dear readers.

Fourteen years-old na ang PM at natalbugan pa nito ang mga artista na sumikat noon pero hindi na active dahil kung hindi lumaki ang ulo, nalulong sa masamang bisyo o nagbago ang mga priority.

Marami na ang mga artista na nabigyan ng space sa PM pero nagbabu na ang career kaya hindi na nababanggit ang mga name at hindi na kilala ng young generation.

Kukulangin ang espasyo kung babanggitin ko ang mga pa­ngalan nila dahil lampas katorse ang bilang.

Mother Lily lucky sa 14

Lucky para kay Mother Lily Monteverde ang number 14 dahil limpak-limpak na datung ang kinita ng Katorse, ang launching movie ni Dina Bonnevie sa Regal Films noong 1980.

Pinasikat ng Katorse si Gabby Concepcion dahil siya ang leading man ni Dina sa pelikula na pinagbidahan din ng pumanaw na aktor na si Alfie Anido.

At dahil masuwerte kay Mother ang number 14, ipinakilala niya noong 1984 ang bagong batch ng Regal Babies, sina Janice de Belen, Gretchen Barretto, Nadia Montenegro, Benedict Aquino at Albert Anido, ang stars ng youth oriented movie na 14 Going Steady.

February 14 ni Kris suwerte sa Feng Shui

Naniniwala si Kris Aquino sa feng shui kaya masuwerte para sa kanya ang birthday niya na February 14.

Katorse rin ang petsa ng kaarawan ng mga ka-birthday ni Kris, sina former Senator Juan Ponce Enrile at Donna Cruz na successful ang mga career sa politics at showbiz, respectively. Kasikatan ni Donna noong dekada ‘90 nang mag-decide siya na magpakasal kay Yong Larrazabal at manirahan ng permanente sa Cebu City. Hindi nagkamali ang pasya ni Donna dahil successful wife and mother siya ngayon, isang career na panghabambuhay.

Pinay promising model sa America suwertihin kaya sa edad na 14?

Fourteen years-old si Breanna Bunevacz, ang bagets na contestant sa reality show na Make a Model With Yolanda Hadid na ipalalabas sa Lifetime Channel sa January 2018.

Promising model sa Amerika si Breanna na anak nina Jessica Rodriguez at David Bunevacz.

Si Yolanda ang ex-wife ng musician na si David Foster na BFF ni Dra.Vicki Belo. Personal na magkakilala sina Yolanda at Vicki kaya itina-tag nito ang ex-wife ni David sa mga Instagram post niya tungkol sa kanyang smart daughter na si Scarlet Snow.

Kung may regular communication sina Vicki at Yolanda, malalaman nito na inaanak ni Vicki sa kasal sina Jessica at David. Ganyan kaliit ang mundo at ang koneksyon ng mga tao sa paligid ni Breanna na look-alike ni Gigi, ang supermodel daughter ni Yolanda. O di ba, ang dami ko nang nakalkal na isyu dahil lang sa pagdiriwang ng 14th anniversary ng PM? Ang katorse, bow!

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.