Nawalang Papal Award ni AiAi ‘di pa naibabalik!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 20, 2018 - 12:00am

Jeje Queen ang tawag kay AiAi delas Alas ng grupong Ex-Battalion na nakipag-collaborate sa kanya sa single niyang Walang Pinipili. Maraming hits ang kanta nang unang nilabas ito pero agad din itong napirata.

“Mas marami ngang views ‘yung pirated kesa sa original!” bulalas ni AiAi nang ipainterbyu ang grupo.

Dahil sa tagumpay ng single nila, naisipan niyang iprodyus ng show ang grupo sa February 17 sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato. Bukod pa ito sa Valentine concert niya sa Palacio de Manila kasama si Piolo Pascual.

Ilan nga raw agad sa humingi ng tickets ay ang mga sosyal na classmates ng anak na si Sophia sa La Salle. “Akala ko kasi, jeje(mon) lang ang fans nito. Ngayon, mga Lasalista. Sabi ng isang kaklase ng anak ko, ‘Mamamatay na ako!’” chika ni AiAi.

Sa June na ang anniversary  kaya ipu-produce niya sa mas malaking venue ang Ex-Battalion.

Eh kumusta naman ang buhay may-asawa?

“Masaya! Pero parang si Gerald ang mas masaya dahil siya itong aligaga. Kung noon celibate kami, ngayon, unli na siya! Ha! Ha! Ha! Nakakapagod! Pag umaangal ako, sasabihin niya, ‘asawa mo ako!’ ‘Heto na nga!’ Ha! Ha! Ha!” pahayag pa niya.

Winner din kasi ang pasok ng taon kay AiAi. Bukod sa mga darating na concerts, nagsimula na siya sa bagong GMA series na Sherlock Jr. at tuloy pa rin siya sa Sunday Pinasaya at Bossing & Ai.

Meron pa siyang resto na Ai Sarap Express na tinututukan niya ngayon kumpara sa dati niyang food business. Bale ito na ang ikatlo niyang pagbubukas ng Ai Sarap Express at dahil maganda ang pagtangkilik ng mga tao, balak niyang magbukas ng Ai Sarap Express Jr. sa mga mall.

Teka, naibalik na ba ‘yung nawala sa kanyang Papal Award medal?

“Hindi pa pero sumulat na kami sa Vatican para makapasok ako doon pagpunta ko,” balita pa ng Comedy Queen.

Ryle tuturuang mag-negosyo ang mga kaedad

Ang Hashtag member na si Ryle Santiago ang bagong member ng Mega Soft family dahil sa pagkuha sa kanya bilang brand ambassador ng Cherub baby products. Bumilib sa kanya ang may-ari ng Mega Soft na si Aileen Go dahil kahit maraming trabaho sa telebisyon ay ipinagpapatuloy pa rin ng young actor ang pag-aaral niya ng filmmaking sa Meridian International College.

Nag-swak din kasi si Ryle sa advocacy ng Mega Soft na lumilibot sa mga school para magbigay ng inspirasyon sa mga estudyante. Eh may bagong segment na School in Cool Tour ang produkto, ang Ear Ganern para ituro sa mga bata ang tungkol sa entrepreneurship.

Sa murang edad, nais nilang magising ang pagiging business-minded ng mga kabataan para sa kanilang kinabukasan upang makatulong sa kanila at sa pamilya nila.

Meron din silang portion sa tour na MegaSoft Squad: Backstage Pass kung saan may pagkakataon ang members nito na magkaroon ng chill moment sa MegaSoft endorsers gaya nina Jolina Magdagal, Myrtle Sarrosa at Ryle.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.