‘Di naniniwala sa pamahiin, kasal nina Billy at Coleen may kasukob sa kanilang pamilya!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 21, 2018 - 12:00am

Malapit nang maging Mrs. Billy Crawford si Coleen Garcia.

Sa mga hindi nakakaalam, pamangkin nina Robert at Michelle Ortega si Coleen kaya pangatlo ito sa ikakasal sa kanilang pamilya.

Unang nagpakasal si Robert noong September 2017 at sinundan ito ni Michelle na ikinasal noong January 10 sa Baguio City.

Parang hindi naman naniniwala sina Michelle at Coleen sa matandang kasabihan na bawal sa mga magkakamag-anak ang sukob sa taon ang pagpapakasal dahil nga­yong 2018 din mangyayari ang pag-iisang dibdib nina Coleen at Billy.

Hindi pa inire-reveal nina Coleen at Billy ang exact date ng kasal nila pero may mga hula na mangyayari ito sa parating na summer.

Confirmed na hindi mangyayari sa Metro Manila ang wedding ng dalawa dahil sa pahayag ni Billy na magkakaroon sila ng wedding reception sa Maynila para sa family and friends nila ni Coleen. Iniiwasan ng magdyowa na may magtampo sa kanila dahil hindi naimbitahan sa importanteng okasyon sa buhay nila.

Hindi mapupuntahan ng mga magulang

Nakaka-sad naman ang balita na hindi makakadalo sa kasal ni Billy Crawford ang kanyang mga magulang pero may mga sitwasyon na hindi talaga maiiwasan.

Saksi pa naman ako sa closeness ni Billy at ng kanyang ina. Hindi ko makakalimutan nang magkita kami noon sa New York dahil si Billy pa ang tumawag at humabol sa akin habang naglalakad ako.

Nagsimula ang showbiz career ni Billy bilang child star pero hindi siya naging pasaway, isang pruweba na maganda ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.

Kahit naranasan ni Billy na maging inter­natio­nal star, hindi natin nabalitaan na naging pasaway siya o umasta na sikat.

Down-to-earth pa rin si Billy kaya good karma siya. Kita n’yo naman, hindi siya nawawalan ng mga television show na talagang pinapanood at sinusubaybayan ng madlang-bayan.

Klea feeling beauty queen na

Habang tumatagal, gumaganda at nagiging seksi si Klea Pineda na nangangarap na maging beauty queen.

Malaki naman talaga ang chance ni Klea na magkaroon ng beauty title dahil mismong ang beauty queen maker na si Jonas Gaffud ang nakakita sa potensyal niya.

Maganda ang height at pang-beauty queen ang hitsura ni Klea. Sa tulong ni Jonas, may ibubuga pa siya kapag nabigyan ng proper training sa pagrampa.

Mapapanood si Klea sa Sirkus, ang fantasy series ng GMA 7 na mapapanood simula ngayong gabi. Makakatulong din ang exposure ni Klea sa Sirkus para madagdagan ang kanyang self-confidence na mahalaga sa mga aspiring beauty queen na kagaya niya.

Dating sexy star na si Kristine Garcia gusto uling umarte

Nagbabalik-showbiz ang former sexy star na si Kristine Garcia na follower ko pala sa Instagram.

Hinanap ni Kristine ang contact number ng kanyang former manager na si Ronald Constantino sa pamamagitan ng message na inilagay niya sa Instagram account ko.

Isa si Kristine sa mga aktres na may pinakamagandang mukha noong kasikatan niya.

Batam-bata si Kristine nang i-launch siya ng Regal Films sa pelikula na may title na Exploitation. Dahil malaking bulas, hindi mukhang twelve years old si Kristine sa kanyang launching movie na certified blockbuster noong 1983.

Gaya ng ibang mga artista, nag-quit si Kristine sa showbiz nang ma-in love siya. Hindi ko na sasabihin ang name ng controversial guy na ama ng kanyang panganay na na-link sa mga equally controversial actress.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.