Vice sapol na sapol ang formula sa box-office
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 21, 2018 - 12:00am

Ipinagmamalaki nila ngayon na kumita nang mahigit na kalahating bilyon ang pelikula ni Vice Ganda sa loob ng tatlong linggo lamang. Sinasabi rin nila, tinalo na ang record ng pelikula bilang siyang may pinakamalaking box-office gross sa buong panahon. Maraming mga bagay kung bakit nangyari iyan. Una, tinangkilik talaga ng mga tao ang pelikula ni Vice, kahit na nga hindi pinansin ng mga kritiko at tanging People’s Choice Award ang nakuha sa nagdaang Metro Manila Film Festival (MMFF)’s Gabi Ng Parangal.

Ang unang punto, hindi na talaga kinikilala ang awards at maging ang ratings ng pelikula. Lumalabas kasi na ang mga pelikulang hindi gusto ng mga kritiko, at ni hindi nga natatapunan kahit na isang award ay siyang gustong panoorin ng mga tao.

Sasabihin na naman ng iba riyan, “Kaya kaila­ngang turuan ang mga tao”. Wala namang pipigil sa kanila kung gusto nilang turuan ang mga tao. In fact, mayroon na silang CineMalaya, QC Film Festival, Cinema One Originals Festival at kung anu-ano pang tumatangkilik sa kanilang mga pelikulang “may kalidad”. May sapilitan silang playdate sa sinehan. Pero huwag silang mag­rereklamong nalulugi sila dahil ayaw silang panoorin ng mga tao at lalong huwag silang magagalit sa mga sinehan na ayaw namang malugi ang kanilang negosyo.

Lalo na ngayon, dahil diyan sa tax reform, tataas ang singil ng kuryente at iyon ang lala­mon ng malaking bahagi ng kinikita ng sinehan. Mahal na nga ang kuryente mo, magpapalabas ka pa ng pelikulang pito lang ang manonood, ano nga ba ang mang­yayari sa negosyo mo?         

Ngayon ang pag-usapan natin, ano ba ang pelikula? Iyan bang paggawa ng pelikula ay ego trip lamang ninyo, o gusto ninyong kumita? Maliwanag ang formula kung gusto ninyong kumita sa pelikula. Maliwanag din naman kung ano ang magagawa ninyo para makapag-ego trip kayo kahit na hindi na bumalik ang puhunan ninyo. Nasa inyo ang choice. 

Mga naninira kay James,sapul sa kanilang ginagawa

“You do not kill the goose that lays the golden eggs”, iyan ang kasabihang madalas sabihin sa amin ng aktres at producer na si Mina Aragon noong siya ay nabubuhay pa. “Siraan ninyo ang mga artista, walang manonood ng pelikula ninyo basta nasira sila. Kung mawawala ang mga fans nila, wala na ring magbabasa sa isinusulat ninyo. Kaya ang mga artista, ibini-build up natin, hindi sinisiraan,” sabi niya. Ganoon din ang madalas na sinasabi ni Kuya Germs. “Iyong mga artista tao rin naman. Nagkakamali, pero kung sisiraan sila dahil sa pagkakamali nila, apektado ang industriya”.

Kaya unfair iyong ginagawa nila kung minsan. Diretsahan na ito, unfair sila kay James Reid. Lagi nilang sinasabing naglasing at hindi nasipot ang shooting. Nagtanong ba sila kung talagang lasing nga? O tinanong ba nila kung bakit nalasing? Sirain ninyo siya, mawawalan kayo ng isang star. Mababawasan ang magagawa ninyong pelikula. Sa kaso naman namin, mawawalan din kami ng isang isusulat dahil sino pa ba ang magsusulat sa kanya kung wala na siyang fans?

Kaya kung iisipin mo, babalik tayo sa naunang tanong, “will you kill the goose that lays the golden eggs”? Ewan kung ano ang isasagot ninyo.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.