Macky at Sunshine

Sunshine at Macky nagpaplano na ng kasal
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

“Masaya na ako,” ang sabi ni Sunshine Cruz sa amin nang kumustahin namin ang kanyang Valentines this year. Si Macky Mathay ang boyfriend ng aktres ngayon.

“Masaya ako kasi marami pa rin akong trabaho, pero hindi muna ako tumanggap ng series pagkatapos noong isa namin, kasi nga may plano akong mag-abroad para mapa-operahan na muna ang mata ko na may problema, pero may mga pumasok na mga bagong endorsements na kailangan ko naman siyempre dahil malaking gastos ang operasyon, at saka kailangan ko iyon para sa mga anak ko.

“Ngayon lang din naman iyong Valentines na masasabi kong makakapag-celebrate nga siguro ako after so many years. Pero siyempre hindi lang naman ako ang magce-celebrate, kasama rin ang mga anak ko,” sabi ng aktres.

May wish pa ba siyang iba sa Valentines?

“Sana naman maging maayos na ang buhay ko. Sana naman maayos na lahat ng problema. Sa ngayon naman wala na akong ibang mahihingi kung di iyong annulment para maging maayos na rin naman ang lahat, hindi lang para sa akin kung di ganoon din naman sa kanila. Ako kasi ayoko ng live in situation. Sa iba ok na iyon, pero sa akin kasi kahit na ano ang sabihin ninyong nangyari sa unang marriage ko, naniniwala pa rin ako sa kasal.

“Kristiyano kasi tayo eh kaya gusto natin lahat mailagay sa ayos before anything else. Kaya sinasabi ko naman na bago ang lahat, kailangan munang ma-annul iyong nauna kong kasal at makasal akong muli,” sabi pa ni Sunshine.

Sharon natauhan sa pagpapabaya ng katawan

Ngayon ay aminado na rin si Sharon Cuneta na may panahong nagpabaya rin siya kaya naapektuhan nang husto ang kanyang career. Masyado siyang nakuntento sa buhay niya at talagang masyado siyang tumaba. Hindi natin alam kung ano nga ba ang dahilan at nagpabaya siya nang ganoon, pero ngayon mabuti naman at na-realize niyang mahalin ang kanyang katawan at ibalik sa dati ang kanyang hitsura.

Bawal ang karne!

Ngayon po ay Ash Wednesday, o Miyerkules ng Abo. Iyan ang simula ng panahon ng Kuwaresma. Itinakda itong isang araw ng pag-aayuno. Pero Va­lentine’s Day din naman ngayon. Kaya binabati rin namin kayo ng Happy Valentine’s. Sa mga kaibigan din nating Tsino, bago kami bumati ng Happy New Year sa susunod na araw, bumabati muna kami ng Quing re jie kuaile, Happy Valentine’s.

Nawa’y maipagdiwang natin ang araw na ito na puno ng pag-ibig. Pero huwag ding kalimutan ang ating obligasyong mag-ayuno dahil Ash Wednesday nga.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.