‘Yang kapatid na mapera…
INVESTING ON THE GO - Ms. Anne (Pang-masa) - January 18, 2017 - 12:00am

TINGNAN mo nga naman ang buhay, ang kapatid na nagpalayas noon sa kanya ay nagmamakaawa ngayon na tulungan siya!

Pangkaraniwang empleyado lang sa munisipyo ang mister ni Adela kaya wala pa silang sariling bahay. Nakikitira lang sila sa ancestral house ng pamilya ni Adela. Siya ang umokupa sa dating sari-sari store ng ina para kahit paano ay madagdagan ang kanilang kinikita. Ang kaisa-isang nakakabatang kapatid ni Adela na si Randy ay may magandang trabaho sa Saudi kaya nakaipon ito ng perang pang-renovate ng kanilang bahay. Ito kasi ang request ng ina sa kanilang magkapatid: Kung sino ang maunang magkaroon ng pera, siya ang magpa-renovate ng bahay. Ilang anay na lang kasi ang kailangang pumirma at magigiba na ito sa kalumaan.

Nang magkaroon ng sariling pamilya si Randy, naisipan nitong magtayo ng bakery sa puwesto ng sari-sari store. Tahasang sinabi ni Randy na tanggalin na ng kanyang ate ang tindahan at siya naman ang magnenegosyo.

“Halinhinan tayo ng pakinabang diyan sa tindahan na itinayo ni Mama. Titigil na ako sa pagsa-Saudi. Magnenegosyo na lang ako. Ikaw naman ang mag-abroad para kapag nagkapera ka, ikaw naman ang magpa-renovate ng kitchen”

Hindi naipatapos ang pagpapagawa ng kitchen dahil gagamitin ang natitirang pera sa negosyo. Pakiramdam ni Adela, yumabang ang kapatid simula nang magkapera. Sa tono ng pakikipag-usap sa kanya, wala na itong karespe-respeto sa kanya. Ang ina naman nila ay walang kibo. Natatakot na pagalitan ang bunso. Ito kasi ang bumubuhay sa kanya.

Naisip ni Adela na tuluyan na silang umalis sa bahay dahil inokupa ng pamilya ni Randy ang lahat ng magagandang bedroom sa second floor. Kaya pala kahit na tapos ang renovation noon ay ina lang nila ang binigyan ng kuwarto sa second floor. Inutusan siya ni Randy na sa bedroom na lang malapit sa kusina sila matulog na mag-anak. Tapos may pasabi pa ang Randy na ito sa kanyang ina: Wala raw naman siyang contribution sa pagpapa-renovate, kaya bagay lang na doon sila matulog. Kulang na lang na palayasin sila dahil wala siyang ambag sa pagpapagawa ng bahay. Kaysa maghisterikal siya, naghanap na lang sila ng mauupahang bahay.

Gustong sulitin ni Adela ang bayad nila sa renta kaya nagtayo siya ng maliit na tindahan ng lutong-ulam sa tapat ng kanilang bahay. Lumipas ang maraming taon, naging maliit itong restaurant. Nang umasenso ay nagpatayo sila ng sariling bahay kung saan ang ground floor ng bahay ay ginawang restaurant.

Isang araw ay naging bisita niya si Randy. Humihiram ito ng pera para pang-aplay sa abroad. Nalugi ang bakery at nagsara. Noon ay ilang taon nang namayapa ang kanilang ina.

“Pahiramin mo ako ng pera. Kapag nasa Saudi na ako ay ipapadala ko sa iyo ang kabayaran.”

“Namumulubi ka na nga, ang angas-angas mo pa rin. Mag-aral ka munang magpakumbaba at rumespeto sa nakatatanda mong kapatid, baka sakaling maawa ako sa iyo at pautangin kita.”

Umalis si Randy na lulugo-lugo.

               

               

MAPERA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.