AFP camps ipagbibili raw?
BAKAS! - Kokoy Alano (Pang-masa) - September 14, 2017 - 4:00pm

MAY pagpipistahan na naman ang mga kritiko dahil sa planong pagbebenta ng gobyerno ng mga kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matugunan ang lumalaking obligasyon sa mga retirement benefits ng mga sundalo. Una nang iminungkahi na ipasakop sa Government Service Insu­rance System (GSIS) ang retirement scheme para sa AFP  ngunit nangangailangan ito nang napakalaking halaga. Ang retirement age ng mga ordinaryong empleyado ng gobyerno ay 65, samantalang ang mga sundalo ay 56 lamang, kaya napakahaba at lubhang mas malaki pa ang  gugugulin ng gobyerno para matustusan ang buwanang pension nang mga nabubuhay pang mga retiradong sundalo na ang bilang ay nadaragdagan taun-taon dahil napakabata pa nilang magretiro.

Malamang na maipagbili ang natitira pang military camps ng AFP na may magandang presyo tulad ng Fort Bonifacio, Camp Laur sa Nueva Ecija o dili kaya ay ang Camp Aguinaldo at ilagak ang pera sa GSIS para magamit na seed funds o puhunan na aabot sa trilyong piso na maaring gamitin sa makabuluhan pang mga investments na ang kikitain ay magiging kapunuan sa mas lolobo pang halaga ng retirement obligations ng gobyerno sa susunod pang mga taon. Sa kasalukuyan ay halos P71 bilyon ang obligasyon ng gobyerno sa pention at aabutin ito ng higit pa sa doble sa hinaharap.

Sa mungkahing ito ni DOF Secretary Carlos Dominguez kay Bases Conversion Development Authority (BCDA) Chairman Vince Dizon, siguradong puputaktihin ito ng pagpuna ng mga maka-kaliwang grupo at mga kritiko ng administrasyong Duterte.

Kung tutuusin ay may magagamit nang seed funds ang gobyerno mula sa offer ng Mighty Corporation na halagang P25 bilyon na kabayarang buwis kung hindi sana ginulo ng Maute group/ISIS ang  Marawi. Malaki ang ginugol ng gobyerno sa nasabing giyera at karagdagan pa rito ang gagawing rehabilitations sa Marawi na maaring abutin ng P20 bilyon o higit pa.

Wala naman talagang pagkukunan ang gobyerno maliban sa mangutang tayo sa ibang bansa, pero mas makabubuti na magbenta na lamang tayo kesa malubog pang lubos ang bansa sa interest pa lamang mula sa pangungutang.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.