Kotse, lumipad muna bago sumalpok sa 2nd floor ng isang building sa California
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 17, 2018 - 12:00am

SA unang tingin ay isang malaking palaisipan kung paano nagawang salpukin ng isang kotse ang pangalawang palapag ng isang gusali sa California.

Ayon sa kuha ng CCTV ay nangyari ang aksidente dahil sa sobrang bilis ng pagharurot ng sasakyan. Sa tulin nito ay nagmistulang rampa ang center island na binangga ng puting sedan, dahilan upang lumipad ito na parang eroplanong nag-take off at sumalpok sa second floor ng isang dental clinic doon.

Nakalabas naman kaagad ang isa sa mga sakay samantalang inabot naman ng isa’t kalahating oras bago na-rescue ang kasama nito habang nanatiling nakalaylay ang likurang bahagi ng kotse sa tabi ng building na sinalpok nito.

Kinailangan pa tuloy gumamit ng front loader upang alalayan ang kotse at masiguradong hindi ito tuluyang mahulog pababa bago masagip ang lalaking naipit sa loob nito.

Gamit ang isang espesyal na truck ng bumbero ay naibaba naman ang kotse, na nag-iwan ng napakalaking butas sa pangalawang palapag ng gusali.

Sa kabila ng lakas ng pagsalpok ng kotse ay masuwerte namang walang tinamong matinding pinsala ang mga sakay nito. Mapalad din na madaling araw nangyari ang aksidente kaya walang tao ang second floor ng dental clinic nang salpukin ito ng kotse.

Umamin naman ang driver na lango ito sa ipinagbabawal na gamot nang mangyari ang aksidente kaya ayon sa mga pulis ay sasampahan siya ng kaso pagkalabas niya ng ospital.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.