EDITORYAL - Talo ang gobyerno sa STL kaya dapat itigil
(Pang-masa) - January 28, 2018 - 12:00am

INILUNSAD ang Small Town Lottery (STL) noong 1987 sa layuning “patayin” ang jueteng. Pero sa halip na mamatay, lalo pang naging malala ang jueteng. Sa mga barangay sa buong bansa, hindi kumpleto ang buhay ng mga residente kung walang jueteng kaya naman balewala ang proyektong STL.

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi mamatay ang jueteng ay dahil ang STL ang ginagawang front nito. Ang gambling lords lamang ang nakinabang at hindi ang gobyerno. Madaling dayain dahil magkapareho ang sistema ng paglalaro o pagbola ng STL at jueteng – dalawang kumbinasyon ng numero ang tatayaan.

Talo ang gobyerno sa STL. Sa halip na mapunta sa gobyerno ang kita ng STL, sa bulsa ng gambling lords bumabagsak. Dahil dito, bilyong piso ang natatalo sa gobyerno. Kaya ang suma total, maraming mahihirap ang hindi matulungan. Ang nakinabang lamang ay mga dupang na gambling lords.

Sa pagdinig ng Senado noong Miyerkules sa pamumuno ni Sen. Panfilo Lacson, natuklasang P48 bilyon bawat taon ang nalulugi sa gobyerno. Sabi ni Lacson, chairman ng Senate committee on games and amusement, na ang monthly income ng STL operations sa walong region sa Luzon ay nag-a-average ng P6.05 bilyon. Mas mataas ito kaysa monthly collection ng PCSO na P1.7 billion mula sa authorized agent corporations (AACs). Pinakamataas aniya ang collection sa Metro Manila. Sabi ni Lacson, may mali sa STL sapagkat ang gambling lords ang nakikinabang at hindi ang gobyerno. Ganunman, walang nirekomendang solusyon si Lacson kung paano mapapatigil ang gambling lords na ginagamit ang STL para sa operasyon ng jueteng.

Mas mabuti pa ang suspected gambling lord na si Charlie “Atong” Ang na nagbigay ng suhestiyon na dapat ang gobyerno na sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mag-operate ng STL. Kikita umano ang gobyerno ng P60 billion bawat taon kung ganito ang gagawin.

Puwedeng subukan ang payo ni Atong pero dapat munang itigil ngayon ang STL para hindi naman lubusang matalo ang gobyerno. At habang nakahinto ang STL, ituloy ng PNP ang pagtugis (kuno) sa jueteng lords.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.