15 durugista, ‘tulak’ pa, sakote
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kalaboso ang nasa 15 katao kabilang ang isang babae ang nadakip ng pulisya matapos makum­piskahan  ang mga ito ng droga sa magkakahiwalay na Oplan Galugad at Oplan Bulabog kamakalawa sa Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque at Taguig City.

Ayon sa report ng hepe ng Muntinlupa City Police na si Police Sr. Supt. Nicolas Salvador, ala-1:00 ng madaling araw nang madakip ng kanyang mga tauhan ang mga suspek na sina Blessilda Dolenzo, 46, dalaga; Alexander Bargo, 42 at Jermine Valencia, 35 sa isinagawa nilang Oplan Galugad-Bulabog sa Blk 7, Lt 24,  Ph 2, Southville 3 NHA, Brgy. Poblacion ng naturang siyudad.

Nakumpiska sa mga ito ang ilang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Alas-2:40 ng madaling araw nang madakip si Edwin Avestruz, 27 sa  Kalye Aswang, Brgy.  Cupang at alas-12:30 naman ng tanghali nang madakip ng mga pulis sa Ph 4, Blk 60, Lt 13 NHA Southville 3, Brgy. Poblacion ng naturang siyudad sina Randy Conde, 40; Rolando Tejada, 30 at Joseph Hernandez, 38 matapos makumpiskahan ang mga ito ng ilang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Sa Las Piñas City, nadakip ng mga kagawad ng Las Piñas City Police sina Nino Paraiso; Lucio Picana; Michael Plorendo at Eduardo Garbo alas-2:30 ng madaling araw sa Lopez Comp., Brgy. Daniel Fajardo ng naturang siyudad habang naglalaro ang mga ito ng cara y cruz.

Nakumpiska sa mga ito ang 2 plastic sachet ng shabu at pantaya na nagkakahalaga ng P46.00.

Nadakip naman ng Parañaque City Police si Ricardo Tomas, 47 alas-11:00 ng umaga sa Quirino St.,  Brgy. Don Galo at nakumpiska dito ang 2 plastic sachet ng shabu. 

Ala-1:30 naman ng hapon ng madakip si Jestoni Oporto, 24 sa Riverside 2, Brgy. Tambo at nasamsam dito ng mga pulis ang 1 plastic sachet, samantalang si Jayson Siscar, 25 ay naaresto alas-6:15 ng gabi sa Dr. A. Santos Ave., Brgy. San Dionesio at nahulihan naman ito ng 2 plastic sachet ng shabu.

Sa Taguig City naman, alas-8:00  kamakalawa ng gabi nang madakip sina Zebedee Mard Antipuesto, 22 at Christian Bonalos, 21 sa  isang checkpoint na isinagawa ng mga pulis sa Upper West Village, Brgy. Pinagsama, Taguig City.

Nasamsam sa mga ito ang 3 plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Alas-11:00 kamakalawa ng gabi nang madakip ng mga pulis si Jordan Paul Andal, 24, binata nang maaktuhan itong nagbebenta ng shabu sa J. Ramos St., Brgy. Ibayo Tipas ng naturang siyudad.

Nakumpiska dito ang 3 plastic sachet ng shabu at  limang pirasong P100 bills.

Ang 15 suspek na nadakip ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drug of 2002). 

DURUGISTA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.