Ayon kay Atty. Persida Rueda-Acosta ng PAO, halos hindi na nakakatulog ang mga magulang sa tila ‘bangungot’ na ginawa sa kanilang mga anak na ‘pinag-experimentuhan’ ng Sanofi Pasteur at mga dating opisyal ng Department of Health (DoH). Boy Santos

‘Magpaturok kayo!’ – PAO
(Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinamon ng Public Attorney’s Office (PAO) ang mga nagsasabing ‘safe’ ang anti-dengue vaccine na Dengvaxia na turukan din ang kani-kanilang mga anak, apo, pamilya at iba pang mahal sa buhay para mapawi ang agam-agam ng mga magulang na may anak na estudyante na nabakunahan ng nasabing gamot.

Ayon kay Atty. Persida Rueda-Acosta ng PAO, halos hindi na nakakatulog ang mga magulang sa tila ‘bangungot’ na ginawa sa kanilang mga anak na ‘pinag-experimentuhan’ ng Sanofi Pasteur at mga dating opisyal ng Department of Health (DoH).

Ipinagtataka ni Atty. Acosta na hanggang ngayon ay hindi nakakapagpalabas ng ‘list of student’ ang DoH at Department of Education (DepEd) na naturukan ng Dengvaxia.

Sinabi ni Acosta, matagal na silang nag-request ng kopya o listahan ng mga batang nabakunahan pero hanggang ngayon ay walang mabigay sa kanila.

Layunin ng PAO na mamonitor ng husto ang mga mag-aaral na binakunahan ng Dengvaxia kaya sila humihingi ng kopya.

Nagpadala na ng formal letter ang PAO sa DoH at DepEd pero hanggang ngayon ay hindi sila binibigyan ng kopya na labis na ipinagtataka ni Acosta.

“Ito po ay awareness para po kung yung mga anak niyo na may sintomas na, ng critical signs of dengue severe or severe illnesses dahil sila ay hindi pa na-dengue nung maturukan, ‘wag na pong magpaligoy-ligoy ang mga magulang, dalhin sa mga ospital,” sabi ni Acosta. 

Kasabay nito, tiniyak ni dating Health secretary Janette Garin na haharapin niya anumang kaso na nakasampa laban sa kanya kaugnay sa pagbili ng Dengvaxia vaccine noong siya pa ang kalihim ng DoH.

Sinabi ni Garin na mas mabuting dalhin sa korte ang usapin upang maipaliwanag ng maayos ang panig ng mga dating opisyal ng gobyerno na responsable sa pagbili ng vaccine.

Naniniwala rin si Garin na mapapatunayan na wala silang kasalanan kaya mas mabuting sa korte dalhin ang usapin at hindi sa media.

Ipinunto pa ni Garin na nagdudulot ng hysteria sa publiko ang patuloy na diskusyon ng Dengvaxia sa media.

Ikinalungkot din niya ang nangyari kamakalawa sa House of Representatives kung saan tinangka siyang kuyugin ng mga galit na mga magulang na naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Inamin ni Garin na hindi niya inaasahan ang ginawang pagsugod sa kanya ng ilang mga magulang na posible aniyang nagagamit na rin ng ilang grupo na may ibang agenda sa isyu.

Bagaman at walang tinukoy, ipinahiwatig ni Garin na may mga grupong nagsasamantala sa sitwasyon at ginagatungan ang galit ng mga magulang.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.