Mahigit 1,000 truck drivers, huli ng MMDA
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tinatayang mahigit sa isang libong truck dri-vers ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos lumabag ang mga ito sa ‘‘Uniform Light Trucks Ban’’ sa kanilang anim na araw na operasyon sa kahabaan ng EDSA at Shaw Boulevard.

Kaugnay nito, umabot sa P2.4 milyon ang kinita ng ahensya sa unang linggo ng implementasyon ng truck ban.

Sa report kahapon ng MMDA, simula noong Lunes (Marso 20) hanggang noong Biyernes (Marso 24), nasa 1,234 ng light truck drivers  na ang kanilang nahuli matapos luma­bag ang mga ito sa naturang traffic scheme.

Nabatid, na noong Lunes sinimulang  ipa­tupad ng MMDA ang ‘‘Uniform Light Trucks Ban’’ sa kahabaan ng EDSA at Shaw Boulevard, na nasa hurisdiksiyon ng Mandaluyong at Pasig City. Kung saan simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi, bawal dumaan ang mga truck na may kapasidad  na nasa 4,500 kilograms pababa o tinatawag na mga light truck sa kahabaan ng EDSA at Shaw Boulevard simula sa araw ng Lunes hanggang Sabado.

Maaari lamang silang   dumaan sa EDSA at Shaw Boulevard kung araw ng Linggo at holidays. Nasa P2,000 ang multa sa sinu­mang lalabag dito.

Nabatid na ito ay panibagong traffic scheme na ipinatutupad ng MMDA para lumuwag ang kahabaan ng EDSA sa masikip na daloy ng trapiko.

Sa obserbasyon ng MMDA, para sa ka­nila ay naging positibo ang epekto ng naturang traffic scheme, dahil bahagyang nabawasan ang volume ng mga sasakyan na dumadaan dito at kahit papaano ay bahagya ding lumuwag ang daloy ng trapiko.

MMDA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.