‘Tulungan para sa kinabukasan’
CALVENTO FILES - Tony Calvento (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2017 - 12:00am

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

SA PANGARAP at pag-asa na makakaahon sa kahirapan kahit gaano pa karaming bundok o ilog ang tawirin gagawin nila makapag-aral lang.

Karunungan ang kayamanang hindi maaagaw ng sinuman sa ‘yo at susi din ito para sa magandang kinabukasan kaya naman hindi sila namimili. May ilan na kahit sa ilalim ng puno magsagawa ng klase ay pumapayag na dahil ang pinakamahalaga sa kanila ay ang kaalamang matututunan nila dito.

Sa Urdaneta City University (UCU) ay nagpapalitan ang mga estudyante sa classroom at sa ilalim ng puno para lang makapag-aral. Kulang sila ng silid aralan dahil na din sa dami ng estudyante.

Bago pa man sumapit ang Pasko ay napagkalooban na ng aginaldo ang UCU. Maraming mag-aaral ang natuwa nang bigyan sila ng  four-storey, 24 classroom mula sa Travellers  International Hotel Group Inc. (TIHGI) at ng Resorts World Philippines Cultural Heritage Foundation, Inc. (Resorts World Foundation) sa pamamagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Hiniling ng PAGCOR na ang lahat ng Entertainment City licensees ay maglaan ng bahagi ng kanilang gross gaming revenues sa mga foundation kada buwan para mapondohan ang mga proyektong may kaugnayan sa educational infrastructure, cultural heritage, environment at health initiatives.

Maliban sa bagong gusaling naipagkaloob sa UCU ay nakatanggap din sila ng isang daang computer at ng generator.

Umabot ng halos Php68 milyong piso ang naging donasyon ng Resorts World Foundation.

Maraming estudyante ang natulungan nito dahil hindi na nila kailangang makiusap sa ibang professor o magsagawa ng klase sa ilalim ng puno.

Ayon naman kay UCU President Elizabeth Montero na dahil sa donasyong ito ay makakapagkaloob sila ng de-kalidad na edukasyon. Nagpapasalamat sila sa PAGCOR at sa Resorts World Foundation sa regalong ito.

Maliban sa UCU nakarating naman sa mga katutubo ang proyekto ng PAGCOR na Pamaskong Handog 2016.

Kung ang siyudad ay maliwanag na sa mga ilaw at nagsisimula nang magsaya ang mga tao nanatili naman ang katutubong lahi ng Dumagat-Remontados sa kabundukan.

Karamihan sa kanila ay nagsabing ang Pasko nila ay ordinaryong araw lamang. Ngayong taon ay nakapagdiwang sila ng masaganang pasko dahil sa PAGCOR.

Halos 600 miyembro ng tribo ang nakisaya dito at nabigyan ng gift packs pang handa nila sa pagsalubong ng pasko.

Ang mga Dumagat-Remontados ay nakatira na sa bundok ng Antipolo mula pa nung 1901. Halos 300 pamilya sila na umaasa lamang sa pagkaingin at sa paggawa ng uling. Marami din sa kanila ang hindi nakapag-aral kaya pagtatanim ang ibang ikinabubuhay nila.

Pangalawang beses nang makasali ang Dumagat-Remontados bilang benepisyaryo ng PAGCOR.

Sabi ng kanilang pinuno na si Alex Bedana na makita lang niyang masayang nagdiriwang ang kanyang mga nasasakupan ay malaking bagay na ito dahil sa hirap ng buhay ay hindi na sila nakakapagdiwang ng Pasko.

Ikinatuwa din ng pamunuan ng PAGCOR na makitang nasiyahan ang hinandugan nila ng mga pamasko sa pamamagitan ng kanilang proyekto.

Bawat taon ay ito ang kanilang layunin, ang makapagbigay ng ngiti sa mga taong may kapansanan o yung mga kapos sa buhay.

Sa ibang balita naman ang bagong gawang Entertainment City roads sa Parañaque City ay pormal na nai-turn over ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa PAGCOR.

Ang pagtitipong ito ay dinaluhan nina DPWH Secretary Mark Villar at Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na isinabay sa pagbubukas ng partial segment ng Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIA-X).

Ginamit ito bilang Christmas Lane na pinatatakbo ng Vertex Tollways Development, Inc. (VTDI) na magbibigay daan mula sa Diosdado Macapagal Boulevard papuntang NAIA Terminal 3 at Skyway.

Ang 1.7 kilometer na daan na nagkokonekta sa Entertainment City Complex papunta sa NAIA terminals kung saan ang key PAGCOR officials sa pangunguna ni President and Chief Operating Officer Atty. Alfredo Lim ang tumanggap nito.

Si Lim ang kumatawan sa state-run gaming firm sa Executive Committee ng Entertainment City Estate Management, Inc. (ECEMI).

Ang ECEMI ay isang estate management entity para sa common concerns ng PAGCOR Entertainment City licensees.

Ang mga miyembro nito ay kabilang ang Bloomberry Resorts and Hotels Inc. (may ari ng Solaire Resort and Casino), Travellers International Hotel Group Inc. (may-ari ng Resorts World Manila and Resorts World City Bayshore, Inc.).

Kasama pa dito ang Tiger Resorts, Leisure and Entertainment, Inc. (may-ari ng Okada Manila) at Belle Corporation (operator ng City of Dreams Manila).

Ang Entertainment City roads ay itinayo sa lupang pag-aari ng PAGCOR at pinapanatili ng ECEMI. Ang DPWH ay kinontrata ang VTDI para magtayo ng pavement, sub-base ng kalsada, embankment at underground utilities pati na din ang bridge over ng inland channel.

Ang PAGCOR Gaming Licensing and Development Department (GLDD) Assistant Vice President Ramon Gelvezon ay nagsabi na ang kalsada ay madaling daanan patungo sa Entertainment City properties.

Tinutulungan din nitong maibsan ang trapik sa Parañaque City at sa kalapit na lugar nito. Nagbibigay din sila ng oportunidad para sa ibang mamamayan upang magkaroon ng trabaho bilang trabahador upang mapanatili ang kaayusan nito.

Dagdag pa niya na ang Entertainment City roads ay makakatulong din upang makaengganyo ng mga turista para bisitahin ang world-cass gaming venues na matatagpuan sa nasabing lugar dahil mas madali na ang pagbiyahe nila papunta mula sa NAIA terminals.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

URDANETA CITY UNIVERSITY
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.