P40 to P70k lagay ng illegal workers papuntang Kuwait, kalokohan
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

NAGULAT ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa bintang na P40,000 to P70,000 ang lagayan daw sa Bureau of Immigration sa NAIA, para makalabas papuntang Kuwait ang isang illegal worker na may defective documents.

Naku ha!

Ano na naman salsal ito.

Mukhang may gustong sirain sa BI kaya pinasasakyan ang istoryang ito?

Naku ha!

Itigil na ninyo iyan.

Silat ang illegal workers sa NAIA lalo na ngayon may ban sa Kuwait!

Ika nga, utos ni Boss Digong ito.

Sabi ni Marc Red Marinas, hepe ng BI port operations division na mahihirapan ang isang may depektibong papeles na makaalis sa NAIA dahil sa inilagay nilang ‘machine reader’ ng Immigration departure at arrival area at maraming tanungan blues ang mangyayari pa.

Bukod sa mga nagkalat na CCTV camera sa mga terminals may sarili rin monitoring camera ang BI - NAIA na konektado sa BI central office para makita ang mga body language ng mga immigration officers sa paliparan kung sila ay gagawa ng mga hindi kanais-nais.

Ika nga, hindi ito biro!

Maganda ang team work ng mga tauhan ni Marinas, tulad ng BI - Travel Control Enforcement Unit, Intel Unit at maging ang NBI dahil ang mga ito mismo ang siyang nagmo-monitor sa mga illegal recruiters at na-recruit nila na nagsasagawa ng palusot sa NAIA.

Ang hindi pa alam ng iba sa NAIA ay nakamasid din ang AFP - ISAFP sa mga terminal at naka-monitor din ang mga ito sa movement ng mga sindikato kung mayroon man sa airport. Tama ba, Col. Capuyan, Sir?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na uso ang sindikatuhan sa NAIA dahil hindi biro ang ‘bantayan blues’ dito at sa rami ng mga CCTV camera na puedeng i-replay ano man oras at para makita kung ano talaga ang totoong nangyari.

Naniniwala ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa backdoor ang daanan ng mga na-recruit na illegal workers ng mga sindikato going abroad.

‘Walang maglalakas loob na immigration officers sa NAIA o alin man sa mga international airport na makikipagsabwatan sa mga sindikato dahil alam nilang mabigat ang parusang ipapataw sa kanila sa utos na rin ito ni Boss Digong, SOJ Vit Aguirre at BI Commissioner Bong Morente.’ sabi ni Marinas.

Sa ngayon ayon kay Marinas ay pinapopostehan niya sa mga TCEU at Intel unit ang galawan sa airport para tiktikan ang operasyon nang mga sindikato.

Nakipag-coordinate na rin si Marinas kay Joey Moran, hepe ng NBI - NAIA para sa monitoring within the vicinity ng mga sindikatong maglalakas loob na gagawa nang ‘palusot’ sa paliparan.

Abangan.

House iisnabin ang OMB order vs. Garcia

Pinagkibit-balikat lamang ni Speaker Bebot Alvarez ang inilabas na order ng Ombudsman na tanggalin si Deputy Speaker, Cebu Rep. Gwendolyn Garcia, kasi nga wala daw itong constitutional basis.

Hindi ipatutupad ni Alvarez ang kautusan ng OMB laban kay Garcia.

Sabi nga, bahala kayo!

Ang pagsibak kay Garcia ng OMB ay dahil sa mga naging aksyon nito noong siya pa ang gobernadora sa Cebu pero ngayon ay kongresista na ang una kaya mukhang malabo na ang usapin sibakan blues.

Hindi pala ipatutupad ni Speaker na tanggalin si Garcia dahil wala sa Constitution na nagpapahintulot na gawin niya ang  kagustuhan ng OMB dahil nga walang basehan.

Wala sa kapangyarihan daw ng OMB ang mag-discipline lalo na ang magsibak ng kahit sinong miembro ng House of Representatives.

Ika nga, kanya-kanya tayong papel.

Sa nakasaad sa Constitution, binibigyan ng kapangyarihan ang Kamara na disiplinahin o alisin ang mga miembro nila pero para ipatupad ang OMB order may paglabag ito sa kanilang charter.

Tinukoy ni Alvarez, ang Paragraph 3, Section 16 of Article VI of the 1987 Constitution provides that “Each House may determine the rules of its proceedings, punish its Members for disorderly behavior, and, with the concurrence of two-thirds of all its Members, suspend or expel a Member.”

Birada ni Alvarez, yong dismissal order na yan, ang ini-recommend dyan yung dismissal niya bilang gobernadora ng Cebu, hindi bilang kongresista. Baka late yung desisyon, kaya late yong order. Dapat nilabas yong order nung siya pa ay isang gobernadora.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nagkumento si Speaker tungkol sa timing ng pagbibigay ng order dahil inilabas ito nang aktibong bumabanat si Garcia sa impeachment proceeding laban kay CJ Maria Lourdes Sereno.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

“Wala naman akong pakialam diyan sa timing-timing  na yan, kung ano man yan. Wala rin akong pakialam kung ano man yung laro diyan. Ang sa akin lang, yung legal basis lang. That is, kung merong legal basis yan base sa ating Saligang Batas ay gagawin ko. Pero kung wala naman I will not do it,” sabi ni Speaker.

Abangan.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.