Daniel tumalon sa bangin
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2017 - 11:11pm

Sa bagong pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Can’t Help Falling in Love ay maraming mga bagay na ginawa ang dalawa sa unang pagkakataon.

Tiyak na ikatutuwa raw ng mga tagahanga ng tambalan ng KathNiel ang bagong proyektong ito.

“Talagang mag-e-enjoy sila kasi no’ng ginagawa namin, sobrang enjoy na enjoy kami. Sana makita nila ‘yon and ang dami naming firsts na ginawa rito. So makikita nila ‘yon,” bungad ni Kathryn.

Hinding-hindi raw makalilimutan ni Daniel ang eksenang tumalon sila sa isang mataas na bangin.

“Totoo, tumalon kami. Parang first time ‘yung tumalon kami ng ganoong kataas sa pelikula na ito. Dami naming pinuntahan na mga dagat. Pumunta kaming Cebu, galing kaming north ng Cebu, diretso kami ng south ng Cebu,” pagbabahagi naman ni Daniel.

Mas marami rin ang nakakikilig na mga eksena sa bagong pelikula kumpara sa Barcelona: A Love Untold na kanilang ginawa noong isang taon.

“Kasi ito rom-com pero tinake namin siya maturely talaga. Naging conscious effort ‘yun para sa amin na hindi pwedeng ‘pag sinabi mong rom-com, ‘yung very Chichay (karakter ni Kathryn sa Got 2 Believe) or very Jackie from Crazy (Beautiful You). Dapat iba naman ‘to, so challenging siya kung paano mo bibigyan ng ibang atake. ‘Yung rom-com na hindi mo pa nagawa before and ‘yung mga characters din namin kasi working na eh like ako. ‘Yung iba hindi pa talaga nangyari sa akin in real life. ‘Di ko alam kung paano siya sa ganyan. So ‘pag mas hindi nangyari sa ‘yo, mas challenging ‘yon,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Sharon hinahabaan na ang pasensiya Kay Gabby

Matagal nang usap-usapan ang tungkol sa diumano’y muling pagtatambal nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa isang pelikula. Ayon sa Megastar ay hinihintay pa rin niya ang kumpirmasyon mula sa Star Cinema.

“When it comes down, hindi ko alam kung same or iba. When maibigay na ‘yung marching orders ko. Then I’ll shoot right away,” giit ni Sharon. Kung sakaling matutuloy ang proyekto ay sinisiguro ng aktres na ikatutuwa ito ng masusugid nilang mga tagahanga ni Gabby.

“Thirty years na akong hindi nagtataas ng sweldo. It doesn’t change no matter who my partner is. I just want to give my fans, the Sharon-Gabby fans, siguro closure. Or it may be the beginning of something greater for the two of us. Sayang kung hindi matuloy. But I am just here patiently waiting for what Star Cinema tells me,” paliwanag ni Sharon.

Matatandaang sa pelikulang Tayong Dalawa noong 1992 pa huling nagtambal sina Sharon at Gabby.

 

KATHRYN BERNARDO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.