Nunal (42)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2017 - 4:00pm

HINDI humihinga si Ro­bert habang hinihintay ang pagbubukas ng pinto. Sa totoo lang, wala siyang nakahandang sasabihin sa sinumang makaka­usap sa bahay. Bahala na. Basta ang mahalaga ay may makausap siya sa bahay.

Sumungaw ang ulo ng babae --- ang babaing nakita ni Robert na naliligo sa ilog. Ang babaing may nunal sa likod ng tuhod. Ito na nga ang babaing hinahanap niya.

“Ano po yun?’’ Tanong nito.

Nakapag-isip agad si Robert.

“Magtatanong lang. Meron ka bang kilalang Anto rito sa Maragooc? Taga-Maynila ako at bago lang dito.’’

“Anto?’’

“Oo, Anto. Isa siyang magsasaka. Taga-rito raw siya at malapit ang bahay sa Ilog Pola.’’

“Wala po akong kilalang Anto. Baka po hindi taga­rito yun.’’

“Taga-rito siya sa Maragooc. Medyo malaki ang katawan at nakakalbo na.’’

“Wala po akong kilala talaga. Magtanong ka po sa susunod na bahay at baka kilala roon. Pero ako po e walang kilalang Anto.’’

“Baka naman kilala ng kasama mo sa bahay. Pakitanong mo naman. Ka­hapon pa ako naghaha­nap kay Anto at talagang walang makapagsabi kung saan ang bahay niya.’’

“E kami lamang po ng Ate ko rito sa bahay.’’

“Pakitanong mo sa iyong Ate please naman.’’

“Wala po ang Ate ko rito.’’
Naglungkut-lungkutan si Robert.

Nang muling magsalita ay gumagaralgal pa ang boses.

“Kasi’y kailangan kong makita si Anto dahil may nangyari sa kanyang ina sa Maynila. Baka hindi na abutan ni Anto ang kanyang ina.’’

Nag-isip ang babae. Mukhang naawa kay Ro­bert.

“Wala po kasi si Ate rito. Pero pagdumating po siya ay itatanong ko at baka kilala niya si Anto.’’

“Salamat. Babalik ako rito. E puwede bang ma­laman ang name mo?’’

“Bighani po.’’

“Sige Bighani. Sala­mat sa tulong mo. Puwe­de ba akong bumalik bukas?’’

“Sige po. Pero magtanong ka rin po sa ibang bahay at baka kilala roon si Anto.’’

(Itutuloy)

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.